LeBron James pinagmulta ng $15K dahil sa 'bayag dance' | Bandera

LeBron James pinagmulta ng $15K dahil sa ‘bayag dance’

Karlos Bautista |November 27,2021
facebook
share this

LeBron James pinagmulta ng $15K dahil sa ‘bayag dance’

Karlos Bautista - November 27, 2021 - 01:46 PM

lebron james big ball dance

Si Los Angeles Lakers star LeBron James habang isinasagawa ang “Big Ball Dance.” (USA Today/Reuters)

Pinagmulta ng $15,000 ang star ng Los Angeles Lakers na si LeBron James dahil sa isang “malaswang” sayaw at nagbabala rin ang mga opisyal ng National Basketball Association matapos na siya ay magbitiw ng mga bastos na salita sa isang press conference.

“LeBron James has been fined $15,000 for making an obscene gesture on the playing court and warned for using profane language during media availability,” ayon kay Byron Spruell, tagapagsalita ng NBA, nitong Biyernes.

Sa huling bahagi ng fourth quarter ng overtime win ng Lakers laban sa Indiana Pacers noong Miyerkules, isang deep three point shot ang ginawa ni James. Pagkatapos nito ay hawak-hawak niya ang kanyang bayag habang isinasagawa ang “Big Balls Dance.”

Ito ang ikalawang beses ngayong linggo na napatawan ng disciplinary action si James.

Noong Linggo, sinuspendi siya ng isang laro dahil sa madugong engkwentro kay Isaiah Stewart  ng Detroit Pistons. Ito ang unang pagkakataon na nasuspendi si James.

Resulta nito ay wala siya nang magharap ang Lakers at New York Nicks noong Martes. Wagi ang Knicks, 106-100.

Kinondena ni James ang one-game na suspensyon niya, at sinabi niya sa mga mamamahayag na ito ay “some bull—-.”

Bumalik siya sa court nitong Miyerkules para kaharapin ang Indianapolis Pacers at naka-score ng  39 points sa isang 124-116 overtime win. At dito na nga niya isinagawa ang ngayon ay kontrobersiyal na “bayag dance.”

Samantala, nagbabala rin ang NBA nitong Biyernes laban sa paggamit ni James ng “bastos na salita” sa harap ng media.

Mula sa ulat ng Agence France-Presse
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending