Libo-libo katao nag-Pasko sa mga evacuation center dahil kay Vinta | Bandera

Libo-libo katao nag-Pasko sa mga evacuation center dahil kay Vinta

- December 25, 2017 - 05:15 PM

LIBO-libong mga residente ang nagdiwang ng Pasko sa mga evacuation centers  matapos naman ang  pagtama ng  bagyon Vinta, na itinuturing na pinaka naminsala, kung saan 120 ang namatay at 160 iba pa ang nawawala.

Nagdulot ng mga landslide at flash flood sa maraming lugar sa Mindanao, partikular sa  Lanao del Norte at  Lanao del Sur at  sa  Zamboanga Peninsula.

“We’re really sad that we have this news especially because our countrymen were looking to celebrate Christmas,” sabi ni Marina Marasigan, ng disaster-response agency ng gobyerno.

Sinisi naman ni Sibuco Mayor Bong Edding ang illegal logging sa mga kabundukan sa nangyaring flash flood na kung saan 30 residente ang nawawala matapos na tangayin ang kani-kanilang mga bahay.

Limang katawan ang narekober sa barangay habang patuloy ang isinasagawang search and rescue operation.

Naiulat ang maraming nasawi mula sa Lanao del Norte at Lanao del Sur, matapos  na rumagasa ang tubig mula sa isang bundok patungo sa maraming bahay na nasa tabi ng ilog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending