Tren ng MRT nasira sa ika-6 sunod na araw
Isang tren ng Metro Rail Transit 3 ang nasira kaninang umaga.
Pinababa ang daan-daang pasahero sa Santolan-Anapolis station northbound alas-11:53 ng umaga matapos na magkaroon ng technical problem ang tren.
Ito na ang ika-anim na sunod na araw na nasira ang tren ng MRT.
Nasira ang tren nito noong Enero 22, alas-6:45 ng hapon at noong Linggo alas-6:14 ng umaga.
Dalawang beses itong nasira noong Enero 20—alas-2:18 ng hapon at alas-4:14 ng hapon.
Nasira naman ito ng alas-9:37 ng umaga noong Enero 19 at 9:21 ng umaga noong Enero 18.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.