July 2020 | Page 43 of 52 | Bandera

July, 2020

P27M shabu nasamsam, 4 huli sa buy-bust

NASAMSAM ng pulisya ang P27 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City kagabi. Naaresto sa operasyon sina Jinky Pascio Arbolado, Jhon Christopher Guzman, Cristina Burill, at Siloren Tabiano. Nakabili umano ang poseur buyer ng shabu sa mga suspek alas-8 ng gabi sa Biak na Bato kanto ng Cuenco st., Brgy. Sto. […]

Bayanihan II dapat aksyunan agad ng Kamara–solon

HINDI umano kailangang magpatumpik-tumpik ang Kamara de Representantes at agad na ipasa ang Bayanihan II sa pagbabalik sesyon sa huling linggo ng buwan. Ayon kay San Jose del Monte, Bulacan Rep. Florida Robes, isa sa may-akda ng House bill 6953, mahaba pa ang laban ng gobyerno sa coronavirus disease 2019 at sa epekto nito. “There […]

Sharon magpapatayo ng bonggang-bonggang bahay para sa mga anak

IBINANDERA ni Megastar Sharon Cuneta ang ipagagawa niyang bonggang-bonggang bahay para sa kanyang mga anak. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng singer-actress ang good news kung saan ipinakita pa niya ang sandamakmak na dokumento na kailangan niyang pirmahan. Ipinost ni Mega sa IG ang ilang pahina ng mga pinirmahan niyang blueprints ng ipagagawang mansiyon. Pahayag ng […]

Internet service provider may magagawa vs online exploitation

MALAKI umano ang maitutulong ng mga internet service provider upang mapigilan ang online exploitation at pagkalat ng child pornography. Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles dapat ay magkaroon ng teknolohiya ang mga internet service providers upang matigil ang online sexual exploitation ng mga bata na tumaas sa panahon ng community quarantine. “Lubos po tayong nababahala […]

Maliliit na negosyo tinutulungan ng Grab makapag-online

TUTULUNGAN ng Grab Philippines ang mga maliliit na negosyante upang makapagtinda online. Sa ilalim ng Small Business Booster Program ang mga offline business ay tutulungan ng Grab na makalipat online upang mas maraming kustomer ang makakita sa kanilang mga produkto. “We have faced many new changes and challenges brought about by the pandemic, and we […]

Paano kumuha ng QR Code para makabiyahe ang kuwalipikadong jeepney?

KAILANGANG kumuha ng quick response (QR) code ng mga operator o driver ng kuwalipikadong traditional jeepney para makabiyahe sa susunod na linggo. Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular 2020-026 na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Para makuha ang inyong QR Code, sundin lamang ang mga sumusunod: 1. Pumunta sa https://ltfrb.gov.ph/ at i-click […]

Bukidnon niyanig ng magnitude 3.6 lindol

NIYANIG ng magnitude 3.6 lindol ang Bukidnon kanina, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Naramdaman ang lindol ala-1:45 ng umaga. Ang epicenter nito ay 29 kilometro sa kanluran ng Kaillangan. May lalim itong isang kilometro. Nagdulot ito ng Intensity I na paggalaw sa Cagayan de Oro City.

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending