Vice Ganda nahiya kay Vic: Na-starstruck ako! Na-intimidate ako! 

Vice Ganda nahiya kay Vic Sotto: Na-starstruck ako! Na-intimidate ako! 

Ervin Santiago - July 08, 2026 - 11:11 AM
Vice Ganda nahiya kay Vic Sotto: Na-starstruck ako! Na-intimidate ako! 
Vice Ganda, Jun Lana at Vic Sotto

SINORPRESA at ginulat nina Vic Sotto at Vice Ganda ang mga dumalo sa announcement ng first four entry ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026.

Ginanap ang event para sa 52nd edition ng MMFF sa Greenhills Mall sa San Juan City, kahapon, July 7, kung saan ibinandera nga ang unang apat na official entry para sa taunang film festival.

Pasok ang “2nd Miracle In Cell No. 7” produced by Viva Films starring Aga Muhlach and Xia Vigor mula sa direksyon ni Nuel Naval.

Napili rin ang “Amir” ng GMA Pictures na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Will Ashley at Glaiza de Castro. This is directed by Zig Dulay.

Ikatlo sa listahan ang horror movie na “Haunted Carnival” mula sa Regal Entertainment na pagbibidahan nina Maricel Soriano, Julia Barretto, James Reid at Fyang Smith.

Ang ang ikaapat ay ang “The Greatest Showdown” kung saan sa unang pagkakataon ay magsasama nga sina Bossing Vic at Vice Ganda. 

This is produced by Star Cinema, M-Zet Films, APT Entertainment and IdeaFirst Production and directed by Jun Robles Lana.

Huling binanggit sa announcement ng MMFF ang “The Greatest Showdown” at dito na nga tinawag sa stage sina Vic at Vice pati na si Direk Jun kaya naman nagkagulo na ang mga fans at press people.

Mensahe ni Jun Lana, “Maraming-maraming salamat po sa pagkakataong ito. Kasama uli kami sa selebrasyon ng pelikulang Pilipino ngayong Disyembre.

“Gagawin po namin ito para sa mga manonood. Gusto namin kayong mapasaya. Maraming salamat,” aniya.

Sumunod na bumati si Vice sa hiling na rin ng host ng event na si KaladKaren, “What’s up, mga Dabarkads!? Magandang hapon po sa inyong lahat. 

“Maraming salamat po sa MMDA, sa Metro Manila Film Festival at hahayaan nyo ulit kami na makapagpasaya ng mga manonood sa araw ng Pasko.

“At sobrang excited po yung buong team namin dahil ito po talaga yung pinakahihintay namin na mai-offer sa inyo, ang collaboration namin ni Bossing Vic Sotto.

“At ipinapangako po namin sa inyo na sa araw ng Pasko ay magbibigay talaga kami ng malalaking ngiti at halakhak sa mga buong pamilya ninyo.

“Pagtutulungan po namin ng buong team ng Greatest Showdown po yan. Maraming, maraming salamat,” sabi pa ni Meme Vice.

Pagbati naman ni Bossing, “What’s up, Madlang People?! Nasabi na lahat ni Vice, e! Kaya…ang totoo niyan, ninenerbiyos kami kanina. Nag-uusap kami. ‘E, pag di tayo natawag?!’”

Tawanan at palakpakan ang audience. Pagpapatuloy ni Bossing Vic, “Nag-usap kami, magsa-shopping na lang kami! At magmemeryenda ng burger.

“Ganoon pa man, maraming,maraming salamat sa MMDA, sa Metro Manila Film Festival. It’s good to be back. And I’m back with the Best Actor. Topgrosser. Vice Ganda. It is my honor and pleasure.

“Maraming, maraming salamat po. We’re very excited for this project at ito po’y handog namin sa lahat ng mga manonood ng pelikulang Pilipino. Maraming salamat po. Thank you!” aniya pa.

Samantala, game na game naman si Vic na mag-guest sa “It’s Showtime” at si Vice sa “Eat Bulaga” para sa promo ng kanilang MMFF 2026 entry.

“Let’s see kung papayagan tayo. But would love to. Sa noontime audiences, para sa Madlang People at sa mga Dabarkads. Kung ano ang ikaliligaya nila, we would love to be doing that for them,” ang sagot ni Vic sa tanong ng veteran showbiz columnist na si Gorgy Rula.

Sey naman ni Bossing, “Malalaman niyo! Darating tayo run. Never naman kami nagkalaban. Nagkatapat lang. Pero never nagkalaban. Isa lang naman ang gusto namin. Mag-entertain ng tao.”

Pagpapatuloy ni Vice, “Nakakatuwa, kasi even yung mga hosts ng parehong programs, sobrang willing sumuporta. Talagang full force kami dito ngayon.

“Talagang pasabog naman talaga. Kahit ako naman, e. Ang surreal nito for me, e. Itong nagkita kami for the first time last Sunday sa Gateway, pasabog talaga siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ako mismo, iba ang naramdaman ko, nahiya ako. Nakaramdam ako ng hiya sa kanya. Na-starstruck ako, na-intimidate ako. Sabi ko, ang pasavog pala ng feeling!” lahad pa ni Vice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending