Ticket para sa MMFF 2026 hindi dapat lalagpas sa P299

Ticket para sa MMFF 2026 ‘di dapat lumagpas sa P299; 3 napiling host city

Reggee Bonoan - July 08, 2026 - 09:23 AM
Ticket para sa MMFF 2026 ibinaba sa P299; 3 napiling host city
Don Artes, Kaladkaren, Michael Sager at Lala Sotto

SA kasaysayan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ay ngayong taon pa lamang magiging tatlo ang magsisilbing host city.

Ito ay ang Mandaluyong na pinamumunuan ni Mayor Menchie Abalos; San Juan, na kinakatawan ni Mayor Francis Zamora; at Bacolod sa pamumuno ni Mayor Greg Gasataya.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Atty. Romando “Don” Artes, gaganapin ang MMFF 2026 Parade of the Stars sa mga nabanggit na lugar.

Kaya naman sobrang saya ni Mayor Greg Gasataya dahil hindi niya inakala na masasama ang kanilang lalawigan dahil nga ang alam niya ay pang-Metro Manila lang ang MMFF.

Kaya naman nu’ng makatanggap siya ng imbitasyon ay kaagad siyang naghanda sa pagluwas patungong Manila para sa announcement ng first four official entries ngayong 2026.

Inamin naman ni San Juan Mayor Francis Zamora na naisip niyang sana’y mapansin din ang San Juan na mag-host ng MMFF at heto’t mangyayari na nga.

“I’m so excited nga po at heto na magho-host na ang San Juan and we promise to support the festival and the MMDA tangkilikin ang pelikulang Pilipino.

“Actually the parade ay pinag-usapan namin ni Mayor Menchie (Mandaluyong) kanina na we will start in Mandaluyong and we’ll end in Pinaglabanan Church. 

“Pag-uusapan namin ni chairman (Artes) how to make this parade more exciting and gimmicks para mas lalong ma-excite ang ating manonood, plus we will also go to Bacolod at first time mangyayari,” pahayag ni Mayor Francis nang makausap namin pagkatapos ng announcement ng four official entries.

Bilang National President of the League of Cities of the Philippines simula 2025 hanggang 2028 ay naisip ni Mayor Francis na isama rin ang mga nasa lalawigan para mas lalong lumaki ang reach ng MMFF lalo’t makikita nang personal ang mga artistang kasama sa MMFF 2026.

Samantala, magandang balita rin ang hatid ni Chairman Don Artes dahil nag-usap na raw sila ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines o CEAP na ili-limit ang presyo ng ticket not more than P299 only. Magsisimula ang MMFF sa December 25 at matatapos ng Enero 7.

Natanong si chairman since mababa ang presyo ng ticket ay bakit hindi gawing 10 ang entries instead of 8 pero hindi raw puwede dahil kulang pa rin ang sinehan na pagpapalabasan dahil ang ibang sinehan ngayon ay hindi pa operational.

Inanunsyo rin ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) President Jose Javier Reyes ang pagbabalik ng maiikling pelikula para sa mga estudyante.

“Bukas ito sa lahat ng estudyante sa kolehiyo at high school,” say ni Direk Joey Reyes, at idinagdag na isang grand prize na P100,000 ang naghihintay sa mananalong pelikulang may habang limang minuto.

Ang batikang aktres at isa sa executive committee na si Gng. Boots Anson-Roa-Rodrigo ang nagpaliwanag kung paano napili ang apat na official entries, ang “2nd Miracle in Cell Number 7”, “Amir”, “Haunted Carnival” at “The Great Showdown.”

Ang mga criteria ay 40% artistic at creative merit, 40% commercial viability, 10% global appeal (ipalalabas din sa ibang bansa) at 10% Filipino cultural values.

Ang mga nanalong script ay sasailalim na ngayon sa ganap na produksyon, at ang mga natapos na pelikula ay nakatakdang lumahok sa 2026 Metro Manila Film Festival, na tradisyonal na nagbubukas sa Araw ng Pasko, ika-25 ng Disyembre.

Masayang ibinalita rin na ang nanalong Best Picture noong MMFF 2025 na “I’m Perfect” mula sa Nathan Studios ang representante ng Pilipinas sa Lucania Film Festival sa Italy ngayong Agosto 1 hanggang 9 sa Pisticci (Matera, Italy).

Tagumpay naman ang isinagawang announcement ng naunang apat na official entries ngayong 52nd MMFF na isinagawa kahapon sa Eastwing Atrium Greenhills Mall dahil maraming kinilig sa “Dahil Sa ‘Yo” performances nina Brent Manalo, River Joseph at Ralph De Leon, hindi rin nagpakabog ang Baby Dolls ng “It’s Showtime” sa awiting “Ikembot Mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagsilbi namang host ng event sina Jervi Wrightson o mas kilala bilang si KaladKaren at Michael Sager.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending