Esnyr ibinuking tunay na ugali ni Belle Mariano: I’m a proud mom!

MULING nagkasama ang magkaibigang Belle Mariano at Esnyr Ranollo sa isang event kamakailan.
Sumabak sila sa isang mala-slumbook segment kung saan nga nila ibinuking ang ilang ugali at mga paboritong bagay ng isa’t isa.
Kabilang na rito ang pagse-share ng Kapamilya actress ng kanyang motto in life na talagang ginagamit niyang gabay sa bawat desisyon niya sabuhay.
“What you give into the world comes back to you tenfold. In short, the more you give, the more you receive,” pahayag ni Belle.
Sey naman ni Esnyr, bigla niyang naalala ang ginawa ng aktres para sa kanya limang taon na ngayon ang nakararaan.
“Kaya pala sobrang generous mong tao,” simulang sabi ni Esnyr. Hirit naman sa kanya ni Belle, “Grabe ka naman.”
Patuloy ng former “PBB Celebrity Collab Edition Season 1”, “Sobrang generous niyan ni Belle. Dati, alam mo, five years ago, nagse-send niyan sa akin ng pagkain nung kakasimula ko pa lang dito sa Manila.”
Birong komento sa kanya ng ka-loveteam ni Donny Pangilinan, “O, ta’s never bumalik ‘yung pagkain sa akin ng tenfold.”
Sey uli ni Esnyr, “Oo! Tingnan mo nung birthday mo, napa-catering ka. That’s the tenfold na bumalik sa’yo. So, ayun sobrang generous ni Belle.
“That’s why binabalikan siya ng mga blessings. Grabe naman. Deserve mo lahat. I’m so proud of you. I’m a proud mom,” patuloy ni Esnyr.
“Awww! Thank you, mommy!” ani Belle. “Thank you for the friendship. I can say that you’re one of the genuine people I know. Thank you, and our friendship is something I will value and keep forever.”
Kasunod nito, binalikan ni Esnyr ang pagsisimula ng friendship nila ni Belle noong kadarating pa lamang niya ng Manila mula sa province.
“Sa mga hindi talaga nakakaalam diyan, the first time, five years ago, when I first set foot here in Manila, talagang wala talaga akong anyone na kakilala at si Belle ‘yung pinakaunang nakilala ko.
“At happy ako na nakilala ko siya not as Belle Mariano but as Belinda. Kaya, ‘yung masasabi ko, thank you for the friendship that never faded. Thank you for staying my constant and being part of the person that I am today.
“Kasi you saw everything before the PBB Esnyr, you saw the probinsyana Esnyr. I am forever grateful for our friendship. And I will value it and treasure it forever,” ani Esnyr.
Reaksyon ni Belle, “Can I just say, everything that Esnyr has now, deserve na deserve niya.”
Singit ni Esnyr, “At wala ‘yun kung wala kayo, Bel. Talagang seryoso. Sobrang laking part ni Belle ng part sa buhay ko.
“Maraming, maraming salamat kasi. Nasasabi ko ‘yung mga nahihiya kong isasabihin kay Belle. Pero I’m really, really grateful na may Belle Mariano sa buhay ko,” sabi pa ng proud member ng LGBTQIA+ community.
Sa huli, nagbigay si Belle ng message para sa kaibigan, “Super proud tayo kay Esnyr. Super deserved talaga ni Esnyr. One of the purest hearts I know.”
Nagkasama ang dalawa sa mga proyektong “Love Is Color Blind”, “How to Spot a Red Flag”, at ang YouTube comedy special na “First Day High.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
