Wilbert Ross humugot: Kahit gaano ka kapogi, kung mabaho ka, X!

MASAYANG ikinuwento ng actor-singer na si Wilbert Ross ang pagse-celebrate niya ng kanyang 29th birthday sa kanyang hometown.
Sa probinsiya nila sa Davao ipinagdiwang ng Viva Artists Agency (VAA) talent ang kaarawan niya last month kasama ang kanyang pamilya at mga kababata at kaklase noon.
Nakachikahan ng BANDERA at ilang piling members ng entertainment press si Wilbert sa launching ng pinakabago niyang endorsement, ang sarili niyang fragrance line, ang STRATO.
“Dito na po kasi ako sa Manila ngayon, so parang gusto ko naman po yung bumalik ako kung saan ako nagsimula.
“The usual birthday lang naman siya kasama ko po yung family ko and even yung mga friends ko nung high school,” chika ni Wilbert.
Sa halip na magkaroon ng bonggang party, mas pinili ng aktor at dating member ng Hashtags na makasama ang pamilya sa probinsya pati na ang mga kaibigan niya sa Davao.
“It’s good na laging ganu’n lang kasi para ma-look back ko kung saan ako nanggaling, sino yung mga nakasama ko and yung mga naniwala sa akin from the start. Kaya nga gusto ko po kapag nauwi ako ng Davao, hindi ako si Wilbert Ross,” lahad ng binata.
Samantala, naniniwala si Wilbert na kailangang palaging malinis at mabango ang isang tao bilang pang-boost ng confidence.
Iyan ang isa sa dahilan kung bakit nagdesisyon siyang tanggapin ang offer ng Viva Beauty na magkaroon ng sariling line ng perfume, ito ngang STRATO na may tatlong variants – ang Nimbus, Cirrus, at Cumulus.
“Kahit gaano kapogi, kung mabaho ka, X! Kahit gaano ka kaganda, kung mabaho ka, X!”
“Basic things, at least smell good, maligo ng maayos, magpabango, ’di ba? Minsan, napapalingon ka ’pag dumaan sa ’yo mabango. May iba kasing nagsasabi na, ‘Ay ang pogi!’ tapos pagdaan, nababawi ’yung kapogian.
“Talagang importante ’yung fragrance kasi alam naman natin to stimulate ’yong isang tao, may iba’t ibang senses tayo and nose is one of the main senses so isa ’yon sa pinakaimportante,” saad pa ni Wilbert.
“Gusto ko maramdaman nilang confident sila. Confident silang magtaas ng kamay sa MRT, ganu’n. Confident sila na tumabi sa concert para makipagsiksikan. Confidence plus ’yong gaan sa feeling na parang fresh feeling,” dagdag ng binata.
May good news din para sa mga ticket holders ng sold-out two-night solo concert ni Wilbert na “WRTen By” na magaganap sa New Frontier Theater.
You will have the chance to purchase a bundle containing all three STRATO variants for P999, which also includes a free photo opportunity with the multi-hyphenate star after his concert sa July 25 at 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
