NAITALA sa Echague, Isabela ang pinakamataas na temperatura sa bansa kahapon. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration umabot sa 37.4 degrees Celsius ang naitala sa Echague. Sa Tuguegarao City ay naitala naman ang 37.2 degrees Celsius. Sumunod ang Camiling, Tarlac (36.7 degrees Celsius), Hacienda Luisita, Tarlac City (36.2 degrees Celsius) at Batac […]
NIYANIG ng magnitude 2.8 lindol ang Eastern Samar kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:20 ng umaga. Ang epicenter nito ay anim na kilometro sa silangan ng Llorenyte. May lalim itong 29 kilometro. Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa Borongan City.
TUMAGAL ng halos 41 oras ang sunog sa Malabon City. Alas-5:43 ngayong hapon idineklarang fire out ang sunog sa Brgy. Potrero, Malabon City. Ala-1:14 ng umaga noong Lunes itinaas ang first alarm sa sunog na nagsimula sa WIM Trading Corp. Nadamay sa sunog ang Prime One Packaging Designs Corp., Chiheisen Corp., at Shizunai Trading Corp. […]
MAY dalawang ruta ng bus na bubuksan simula bukas. Ayon sa Land Transportation Franchising ang Regulatory Board bubuksan na ang: – Route 2 (Monumento – PITX) – Route 29 (PITX – General Mariano Alvarez) Ang mga bibiyahe sa mga rutang ito ay ordinary at airconditioned buses. Dagdag ito sa mga ruta ng bus na binuksan […]
HINDI pinapayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang manicure at pedicure sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ). Ito ang sagot ng ahensya sa hirit ng mga may-ari ng salon na hindi lang sana limitahan sa paggugupit ng buhok ang ibigay na serbisyo sa mga kustomer. Ayon […]
NASAWI ang isang truck driver nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin, sa pinaniniwalaang insidente ng road rage sa Zamboanga City, kahapon. Dead on arrival sa ospital si Rowel Magno dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police. Naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga, habang minamaneho […]
ABS-CBN news reporter Mike Navallo is newsroom’s man of the hour. The guy, a lawyer also, parried off SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta’s rants against him. Obviously pissed off, Marcoleta protested Mike’s report that the congressman was behind the franchise bill of some broadcasting companies and that he was in favor of a proposed bill […]
PINAIIMBESTIGAHAN ni Quezon City Rep. Onyx Crisologo sa House committee on Information and Communication Technology ang paggawa ng mga fake accounts sa Facebook. Sa House Resolution 964, sinabi ni Crisologo na nakababahala ang pagsulpot ng mga fake accounts na halos sabay-sabay na napansin ng mga Facebook users. “One of the strategies of the government to […]
NASAWI ang lalaking pasyente ng Covid-19 makaraang tumalon mula sa bintana sa ikatlong palapag ng Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City kaninang umaga. Dead on the spot ang biktima, 48, at residente ng Tres de Abril st., Brgy. Labangon, Cebu City, dahil sa mga tinamong sugat sa ulo at katawan. Ayon sa […]