Hiling ng mga nanay, estudyante kay Heart: Sana mabigyan n’yo rin kami ng tablet
WHEN Heart Evangelista made public her desire to give less privileged school children tablets na kakailanganin nila sa kanilang pag-aaral, hindi na nawalan ng request ang kanyang Instagram account.
Sa kahit anong post ni Heart ay hindi puwedeng walang follower siyang hindi magre-request ng tablet.
“Miss Heart ako po c Jonavie. May anim na anak. Dalawa po yung nag aaral. Sa ngayon po hindi cla makipag aral kc po online napo schooling ngayun. Hindi po namin kaya bumili para sa gagamitin doon …hanggang nakita ko po sa tv yung tungkol po sa inyong adhikain na makapagbigay ng tablet sa mga studyante kya po nagbakasakali po ako sa inyo at sana po matulungan nyo po ako. Maraming salamat po.”
“Hello po Ms. Heart! Sa dami po ng mga nagme-message sa inyo, I know it’s almost impossible for you to read or notice mine. Namomroblema po kaming magpipinsan (4 po kami: 2 po kaming incoming senior high, 1 pong incoming grade 8, at 1 incoming grade 6) kasi online classes nga po daw. Wala po kaming pera para makabili ng mga tablets kaya po nagbabakasakali po ako na manotice at mabigyan nyo ng tablet.
“Ako lang po yung may cp sa amin tapos its not functioning well pa due to kalumaan. Kaya po ganon na lang ako ka-desperate na manotice nyo. Malaking tulong po ito kung sakali… Achievers po kami sa school kaya masisiguro po ninyong magagamit yan ng maayos sa aming pag-aaral. Thank you po and God bless Ms. Heart!!”
“Hello po, Miss Heart. Ako po’y kumakatok sainyo, ako po ay nursing student na wala pong laptop or tablet. Hindi po ako makasali sa online class dahil po wala po akong magamit, pati po yung kapatid ko na mag grade 7 sa pasukan mag online class din po sila kaya namomoblema po kami kung saan po kukuha ng tablet or laptop para sa online class. Yung magulang po namin ay natanggal sa kanilang trabaho at ngayon ay hindi parin po makahanap ng trabaho. Sana po kami ay matulungan niyo po. God Bless po!”
Ilan lang ‘yan sa sandamakmak na request for tablet kay Heart. We’re sure she will find ways para mapagbigyan ang mga ito lalo na’t mukhang walang mapagkukunan ang mga nagre-request.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.