1621BC hataw sa Bagamundo; PMPC 2025 officials nahalal na

1621BC hataw sa ‘Bagamundo’; PMPC Star Awards 2025 officials nahalal na

Ervin Santiago - January 12, 2025 - 09:43 AM

1621BC hataw sa 'Bagamundo'; PMPC Star Awards 2025 officials nahalal na

1621BC at mga bagong-halal na opisyal ng PMPC Star Awards 2025

BAGONG pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards sa taong 2025 si Mell Navarro ng Pinoy Entertainment Guide (FB) matapos ang naganap na taunang halalan kamakalawa sa tanggapan ng PMPC sa Quezon City.

Si Fernan “Ms. F” de Guzman naman ng “Wow It’s Showbiz Blog”, IBC-13 DWAN 1206 AM “Eto Pala Ang Latest” ang inilagay ng may 37-voting members bilang bagong bise-presidente ng samahan.

Si Jimi Escala naman ang bagong Secretary (Police Files Tonite, People’s Balita); Assistant Secretary si Mildred Bacud (Marisol Academy); Treasurer si Boy Romero (Balitang KLik Online, Showbiz Round-Up PH Blog); Assistant Treasurer si John Fontanilla (Hataw, Barangay LSFM 97.1, host); Auditor, Rodel Fernando (Showbiz Republika Editor, Marisol Academy, host); PRO for English, Eric Borromeo (Pinoy Aksyon News Online, editor); at PRO for Filipino, Blessie Cirera (Police Files Tonite, editor).

Ang bumubuo naman ng Board of Directors ay sina Roldan Castro; Evelyn Diao, Rommel Gonzales, Rommel Placente at Francis Simeon.

Baka Bet Mo: Star Magic binantaan ang bashers ng kanilang talents; OPM artists bibida sa PMPC benefit concert

Sa nakalipas na 40 taon, kinikilala ng PMPC at ipinagdiriwang ang  kahusayan sa industriya ng pelikula, telebisyon at musika sa Pilipinas sa pamamagitan ng tatlong taunang okasyon, ang Star Awards for Movies, Television at Music.

Nakasentro ang PMPC sa paghahatid ng mga pinakabago at sariwang balitang showbiz sa iba’t ibang uri ng plataporma.

Sa kasalukuyang pamamalakad ng bagong pamunuan, nakatuon ang PMPC sa lalo pang pamamayagpag at pagpapatuloy ng adhikain nitong itaas ang antas ng showbiz industry.

* * *

Puno ng tapang at determinasyon ang P-Pop boy group na 1621BC sa kanilang comeback single na “Bagamundo.”

Ibinahagi ng mga miyembro na sina JM, JC, Pan, Win, Migz, at DJ sa awitin ang mensahe ng pagiging matatag sa gitna ng mga hamon at patuloy na pagsusumikap para makamit ang kanilang pangarap.

“It’s about a story of achieving one’s dream through years of travel and developing the most interesting individual characters who strive hard pursuing their dream of becoming somebody someday,” saad ng grupo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by StarPop (@starpopph)


Isinulat at iprinodyus ang “Bagamundo” nina Kiko “Kikx” Salazar, Derick “OC-J” Gernale, at Perry Lansigan habang nagsilbing supervising producer nito si StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Matapos maging bahagi ng idol survival reality show na “Dream Maker,” inilunsad ng 1621BC ang kanilang self-titled debut EP tampok ang key track na “Laruan” noong 2023.

Nabuo ang pangalan ng grupo mula sa angel manifestation number na 1621 na nagpapahiwatig ng pag-abot sa mga pangarap habang nagmula naman ang BC sa katagang beyond complete.

Nitong nakaraang taon, naging nominado ang grupo sa 37th Awit Awards bilang Best New Performance by a Group at natanggap din nila ang special award bilang PPOP Potential sa PPOP Music Awards nitong Disyembre 28 sa New Frontier Theater. Nakasama rin sila sa Best of P-pop On The Rise playlist ng Spotify.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapakinggan na ang “Bagamundo” ng 1621BC sa iba’t ibang digital streaming platforms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending