HINDI na nakatiis si Jennylyn Mercado sa pangmamaliit sa kanya ng ilang netizens matapos maglabas ng saloobin tungkol sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa. Pinatulan na ng Kapuso Ultimate Star ang ilang bashers na nagsabing manahimik na lang siya at huwag nang makisawsaw sa mga isyu ng bayan dahil wala naman siyang alam. Nagsimula […]
NAGPAHAYAG ng pangamba si Tingog Rep. Yedda Marie Romualdez sa pagtaas ng bilang ng sexual and gender based violence habang abala ang bansa sa paglaban sa coronavirus disease 2019. Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos na iulat ni Pangulong Duterte na 3,699 kaso laban sa mga kababaihan ay bata ang naitala sa panahon ng pagpapatupad […]
NIYANIG ng magnitude 3.7 lindol ang Bukidnon kanina. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:53 ng hapon. Ang epicenter nito ay 10 kilometro sa silangan ng bayan ng Quezon. May lalim itong 35 kilometro. Naramdaman ang Intensity I sa Gingoog City sa Misamis Oriental.
UMAPELA si Ang Probinsyano Rep. Alfred Delos Santos sa Bureau of Internal Revenue na ipagpaliban ang plano nitong deadline sa pagpaparehistro ng mga online sellers at pagbabayad ng buwis sa Hulyo 31. “While we are cognizant of the role of the BIR to enforce tax laws and collect taxes to boost government coffers, we cannot […]
INARESTO ng pulisya sa entrapment operation ang 10 katao na gumagawa umano ng pekeng travel authority at medial certificate sa Quezon City kahapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Vilma Tigranes, 45, Edelyn Caguioa, 19, mga taga-Imus Cavite, Rogelio Devara, 54, Nisan Tabas, 32, mga taga-Antipolo City, Carlito Tigranes, 45, Samson Patiño Jr., 33, kapwa […]
TATLO ang naaresto ng pulisya sa anti-illegal drug operation sa Quezon City kagabi. Kinilala ang mga suspek na sina Eduardson Ferol, 32, Josephine Dela Cruz, 26, kapwa taga- Brgy. Baesa at Mariano Villar, 45, ng Brgy. Commonwealth. Nagsagawa ng buy-bust operation ang Masambong Police at Talipapa Police alas-10 ng gabi sa Upper Pajo, Brgy. Baesa. […]
ISANG task force ang binuo ng Quezon City government na siyang tututok sa pangmatagalang programa laban sa coronavirus disease 2019. Pinirmahan ni Mayor Joy Belmonte ang Executive Order para sa pagbuo ng Task Force COVID-19 na co-chaired ni Dr. Esperanza Arias, head ng Quezon City Health Department (QCHD). Inaasahan na lalagpas ngayong taon ang problemang […]
HALOS 5,500 na ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019. Sa datos na nakalap ng Department of Foreign Affairs nadagdagan ng 21 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng OFW. Ang kabuuang bilang ng mga ito ay 5,490. Ang bilang naman ng mga nakarekober ay […]