Daniel nasa dugo ang pagiging public servant; pasukin din kaya ang politika?  | Bandera

Daniel nasa dugo ang pagiging public servant; pasukin din kaya ang politika? 

- June 13, 2020 - 08:26 AM

HUWAG na kayong magtaka kung sakaling pasukin din ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang mundo ng politika.

Mismong ang ina niyang si Karla Estrada ang nagsabing talagang may dugong politiko ang binata at ang iba pa niyang mga anak at very proud siya rito.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ng TV host-actress na ang mga anakshies niyang sina Daniel at Jose Carlito ay mga descendants ng dating governor ng Bulacan na si Jose Padilla. 

Aniya, isa ito sa mga rason kung bakit mababait at likas na maawain at matulungin sa kapwa ang mga anak.

Caption ni Karla sa pinagdikit na litrato ni DJ at ni Gov. Jose Padilla, 

“Mga momshie eto naman ang Great Grandfather ng mga anak ko na sina Daniel Padilla at Jose Carlito padilla. 

“Ang lolo Jose ni Daniel at ni Jose Carlito ay naging GOBERNADOR NG BULACAN noong 1928-1931 at muli ay nahalal noong 1934-1937.

“Alam na natin saan naggagaling ang pagiging makatao, maprinsipyo, matulungin at May puso sa kapwa si @supremo_dp at @sprakenheighten Ito ay nananalaytay sa dugo at katauhan ng kanilang mga ninuno na naipasa sa bawat henerasyon ng PAMILYA PADILLA.”

Sa isa pang post, ipinagmalaki rin ni Karla na ang anak niyang si Magui sa ex-boyfriend na si Mike Planas ay great granddaughter ni Carmen Planas na kilala bilang “Manila’s Darling” na naging councilor din ng Manila noong dekada 40.

“Mga momshies, alam niyo ba kung kanino nagmana ng beauty and intelligence itong daughter ko na si Magui? Well, bukod sa akin… hehe mukhang sa great grandmother niya rin ito nakuha.

“Aba, apo lang naman sa tuhod ni Ms. Carmen Planas si Magui! Si Ms Carmen Planas po ang tinaguriang ‘Manila’s Darling’ at ang unang babaeng nahalal sa Capital City Municipal board ng City of Manila! 

“Bongga! Isang huwarang abogado, pulitiko at nagseserbisyo sa bayan! San ka pa?! Ang wish ko lang, sana sa susunod na henerasyon, masundan ni Magui ang mga yapak ng kanyang lola Carmen! Go, Magui!!!! PLS READ THE BIO OF HON.CARMEN PLANAS. Astig!!! Nakakaproud maging BABAE,” ang caption ng TV host-actress sa IG photo ni Magui at ni Carmen Planas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman marami ang nagkomento na hindi malayong maging public servant din si Daniel o ang iba pang anak ni Karla in the future dahil dala-dala nila ang dugo ng isang politiko.

May mga nagsabi naman na sakaling pasukin nga ni DJ ang mundo ng politics, walang duda na mananalo siya hindi lang dahil sa kanyang popularidad kundi sa dami ng nagawa niyang kabutihan sa kapwa at pagmamalasakit sa mga mahihirap. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending