10 huli sa pekeng travel pass | Bandera

10 huli sa pekeng travel pass

Leifbilly Begas - June 12, 2020 - 10:04 PM

Jail

INARESTO ng pulisya sa entrapment operation ang 10 katao na gumagawa umano ng pekeng travel authority at medial certificate sa Quezon City kahapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Vilma Tigranes, 45, Edelyn Caguioa, 19, mga taga-Imus Cavite, Rogelio Devara, 54, Nisan Tabas, 32, mga taga-Antipolo City, Carlito Tigranes, 45, Samson Patiño Jr., 33, kapwa taga-Brgy. E Rodriguez, Cubao, William Lanuga, 41, ng Brgy. Nagkaisang Nagyon, Reychan Servino, 24, at Lorencio Colonagn Jr., 50, parehong taga- Caloocan City at Vicente Nevia, 42, ng Biñan Laguna.

Ang mga binibiktima umano ng mga suspek ay ang mga tao na nasa Metro Manila at nais na umuwi sa kanilang probinsya.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya kaugnay ng mga tao na nag-aalok ng “package ride” sa mga nais na umuwi sa probinsya. Kasama umano sa package ang travel authority at medical certificate na nagkakahalaga ng P5,500 hanggang P6,500 depende sa pupuntahan.

Ginagamit umano nila ang mga pribadong van na walang permiso upang bumiyahe.

Nahuli ang mga suspek alas-3:30 ng hapon sa DOTV Transport Terminal sa Aurora Blvd. malapit sa 15th Ave. Brgy. E Rodriguez, Cubao.

Kinumpiska ng mga suspek ang computer set na ginagamit umano sa paggawa ng mga pekeng dokumento, apat na sasakyan at P36,000 pera.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong falsification of documents at estafa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending