January 2019 | Page 33 of 90 | Bandera

January, 2019

Mga labi ng mag-asawang nalunod sa Maldives, naiuwi na

DUMATING kahapon sa Ninoy Aquino International Airport ang mga labi ng mag-asawang overseas Filipino workers na namatay sa Maldives kamakailan. Alas-3:30 ng hapon nang dumating ang mga labi ng mag-asawang Leomer at Erika Joyce Lagradilla sa PAIR PAGGS Cargo house na malapit sa NAIA Terminal 1. Mga opisyal at kawani ng Department of Foreign Affairs […]

Magnitude 4.7 lindol yumanig sa Sulu

NIYANIG ng magnitude 4.7 lindol ang Sulu ngayong araw. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-3:47 ng hapon. Ang epicenter nito ay 91 kilometro sa silangan ng Jolo at may lalim na 34 kilometro. Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa Zamboanga City at Jolo.

Lalaki arestado sa pagbebenta ng pekeng tiket ng Sinulog grand parade

ARESTADO ang isang lalaki na nagbebenta ng pekeng identification card (ID) at complimentary ticket para sa pinal na presentasyon ng Sinulog grand parade sa Cebu City Sports Center (CCSC) grandstand. Sinabi ni Senior Superintendent Royina Garma, director ng Cebu City Police Office (CCPO), na natiyempuhan ng mga pulis mula sa Fuente Police Station ang suspek […]

Sinulog ‘generally peaceful’-PNP

SINABI ni Superintendent Debold Sinas, director ng Police Regional Office Central Visayas (PRO-7), na sa kabila ng mabagal na pag-usad ng Sinulog grand parade, naging mapayapa naman sa pangkalahatan ang pagdiriwang. Idinagdag ni Sinas na pinakalat na ang mga pulis tatlong oras bago ang pagsisimula ng parada para matiyak na magiging ligtas ang daraanang ruta […]

Manny Pacquiao for president sa 2022?

MATAPOS ang matagumpay na laban ni People’s Champ Manny Pacquiao, hindi napigilan ng ring announcer na si Jim Gray na siya ay matanong hinggil sa pulitika. Sa harap ng mahigit 13,000 manonood na nakasaksi sa kanyang pagkapanalo kontra kay Adrien Broner, sinabi ni Pacquiao na hindi pa niya naiisip ang ideya ng pagtakbo sa pagkapangulo. […]

Kailangan ng bagong election watchdog

NOONG Enero 13 opisyal nang nagsimula ang election period at kaugnay nito dapat ding magtayo ng bagong independent poll watchdog para matiyak ang isang malinis na na midterm elections sa Mayo 13. Isinusulong ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ang pagtatayo ng bagong independent election watchdog, na ayon sa kanya ay dapat buuin ng mga […]

Palasyo nagdiwang sa panalo ni Pacquiao

IKINATUWA ng Palasyo ang panalo ni Sen. Manny Pacquiao matapos namang matagumpay na madepensahan ang WBA welterweight title sa kalabang Amerikano na si Adrien Broner. “While 11 years older than his opponent, the 40-year-old Pambansang Kamao displayed his vintage form just like in his heyday and dominated Broner, who went back-pedalling, in full twelve rounds […]

Pacquiao kampeon pa rin

MATAGUMPAY na naidepensa ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang hawak na World Boxing Association (WBA) welterweight title kontra Adrien Broner sa pamamagitan ng unanimous decision win Linggo ng umaga (PH time) sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA. Nakuha ni Pacquiao ang panalo sa mga iskor na 119-111, 116-112 at 116-112 mula […]

Acting gov, iba pa kinasuhan sa pekeng budget

INIREKLAMO si acting Eastern Samar Governor Marcelo Ferdinand Picardal at tatlong iba pang opisyal kaugnay ng pamemeke umano ng ordinansa kaugnay ng budget ng probinsya noong 2018. Kasama ni Picardal sa reklamo sina acting Vice Governor Jonas Abuda, Sangguniang Panlalawigan Secretary Franklin Robedizo, at Department and Department of Budget and Management-Region 8 Director Annabelle Echavez. […]

Parusa sa 10-anyos na kriminal paplantsahin bukas

MAGSASAGAWA ng pagdinig bukas ang House committee on justice upang ipasa ang panukala na magpaparusa sa mga 10 taong gulang pataas na nakagawa ng krimen. Nabatid na hindi pumunta si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Las Vegas, Nevada upang manood ng laban at sumuporta kay Sen. Manny Pacquiao upang makadalo sa pagdinig sa naturang […]

Previous           Next
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending