Parusa sa 10-anyos na kriminal paplantsahin bukas
MAGSASAGAWA ng pagdinig bukas ang House committee on justice upang ipasa ang panukala na magpaparusa sa mga 10 taong gulang pataas na nakagawa ng krimen.
Nabatid na hindi pumunta si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Las Vegas, Nevada upang manood ng laban at sumuporta kay Sen. Manny Pacquiao upang makadalo sa pagdinig sa naturang panukala na isinusulong ni Pangulong Duterte.
Isasagawa ang pagdinig alas-10 ng umaga sa panukala (House bill 505) ni Tarlac Rep. Victor Yap upang maibaba ang criminal liability sa 9 taon mula sa 15 taong gulang. Nakabinbin ito noon pang Hulyo 27, 2016.
May kaparehong panukala (House bill 2009) si Antipolo City Rep. Romeo Acop upang mapatawan ng parusa ang mga 10 taong gulang pataas na nakagawa ng heinous crime.
Ang mga siyam na taong gulang pababa ay ibabalik sa kanilang mga magulang o kamag-anak at sasailalim sa community-based intervention program na pangangasiwaan ng Social Welfare and Development. Maaari rin silang ipadala sa Bahay Pagasa kung kakailanganin.
Nanawagan naman si Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy sa Kongreso na tiyakin na mayroong sapat na safeguard upang maproteksyunan ang kapakanan ng mga batang kriminal gaya ng pagtatayo ng Juvenile Courts.
Hiniling ni Dy na bigyan ng malaking papel ang DSWD sa pagpapatupad ng batas upang proteksyunan ang Children In Conflict with the Law.
“It would be necessary for the DSWD to assign social workers who will be on duty at every police station on a 24-hour basis. It would be the duty of those social workers on duty to make sure the rights of minors are protected from the time an arrest is happening and until their cases are pending,” saad ng lady solon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.