SINABI ni Superintendent Debold Sinas, director ng Police Regional Office Central Visayas (PRO-7), na sa kabila ng mabagal na pag-usad ng Sinulog grand parade, naging mapayapa naman sa pangkalahatan ang pagdiriwang.
Idinagdag ni Sinas na pinakalat na ang mga pulis tatlong oras bago ang pagsisimula ng parada para matiyak na magiging ligtas ang daraanang ruta ng parada.
“We do not know why it started late but we were already prepared by that time,” sabi ni Sinas.
Sinabi pa ni Sinas na naging mabagal ang street dancing matapos bumuhos ang ulan.
Nagsimula ang malakas na ulan ganap na alas-10 ng umaga dahil na rin sa bagong Amang na nakakaapekto sa Visayas at Mindanao.
“Medyo mabagal ng konti ang parade,” sabi ni Sinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.