PILI, Camarines Sur — Sinungkit ni Jaybop Pagnanawon ng Bike Xtreme ang ikalawang lap victory matapos na angkinin ang pinakamahabang yugto na 251 kilometro na 2017 Ronda Pilipinas Stage Five Linggo na nagsimula sa Lucena City at nagtapos dito sa Camarines Sur Waterpark Complex. Solong umatake ang 27-anyos mula Talisay, Cebu na si Pagnanawon, isa […]
SINABI ng isang dating pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi mabubusalan ang Simbahan sa pagsasalita para kontrahin ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan. Idinagdag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, na kilalang kritiko ni Pangulong Duterte, na itutuloy ng Simbahan na igiit ang kahalagahan ng buhay kahit pa batikusin ang […]
DINALAW ni Pangulong Duterte ang mga nasalanta ng lindol matapos namang tumama ang magnitude 6.7 na lindol sa Surigao del Norte noong Biyernes ng gabi. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar sinabihan ni Duterte ang mga mining companies maging responsable sa kanilang pagmimina sa Surigao “Mining companies should clean its own wastes while extracting minerals […]
UMABOT sa Task Force Alpha ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Quezon City ngayong hapon. Itinaas ang ikatlong alarma sa sunog sa barangay Damayan Lagi kanto ng E. Rodriguez ganap na alas-2:39 ng hapon; ika-apat na alarma ganap na alas-2:41 ng hapon at ikalimang alarma ganap na alas-2:48 ng hapon, ayon sa […]
PATAY ang isang pedestrian matapos mabangga ng isang rumaragasang motorsiklo sa bayan ng Pagbilao, Quezon, kagabi. Ayon sa ulat, nasagasaan si Leonel Glorioso Lustares, 32, ng motorsiklong minamaneho ni Alejandro Abastillas Mohamad habang naglalakad pauwi sa Barangay Ibabang Polo ganap na alas-9 ng gabi. Nagtamo ang biktima ng mga matinding pinsala at dinala sa MMG […]
DUMISTANSIYA ang Palasyo sa hakbangin ng Kamara na hindi isama ang kasong plunder sa mga krimen na mapapatawan ng parusang kamatayan sakaling isabatas na ito. Sa isang panayam sa government-run Radyo ng Bayan, iginiit ni Communications Secretary Martin Andanar na iginagalang ng Malacanang ang pagiging hiwalay na institusyon ng Kongreso. “Iyan ay isyu ng lower […]
Patuloy pa rin ang mga nararamdamang aftershock sa Surigao del Norte matapos ang magnitude 6.7 lindol noong Biyernes ng gabi. Alas-11:01 ng umaga naramdaman ang magnitude 4.1 aftershock ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Ang sentro nito ay natunton siyam na kilometro sa kanluran ng Surigao City. May lalim itong 15 kilometro. Nagdulot […]
Inilalagay umano ng pamunuan ng Metro Rail Transit sa panganib ang buhay ng mga pasahero nito sa mabagal na pag-aksyon sa mga problema. Ayon kay PBA Rep. Jericho Nograles nakatanggap siya ng ulat na 12 bogey frames ng 19 bagon ng tren ang ginagamit pa rin kahit na ito ay mayroon ng mga biyak at […]
PORMAL nang inanunsyo sa ginanap na media conference kamakailan ang mga official entry sa 2nd TOFARM Film Festival na magsisimula sa darating na July. Isinabay ang annoucement sa birthday celebration ng Chief Advocate ng TOFARM at Executive Vice-President ng Universal Harvester, Inc. na si Dr. Milagros How. Kasama rin ni Dr. How ang Festival Director […]