Aftershock ng lindol sa Surigao | Bandera

Aftershock ng lindol sa Surigao

Leifbilly Begas - February 12, 2017 - 03:09 PM
Earthquak_Surigao3-620x388 Patuloy pa rin ang mga nararamdamang aftershock sa Surigao del Norte matapos ang magnitude 6.7 lindol noong Biyernes ng gabi.
Alas-11:01 ng umaga naramdaman ang magnitude 4.1 aftershock ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang sentro nito ay natunton siyam na kilometro sa kanluran ng Surigao City. May lalim itong 15 kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Surigao City at bayan ng San Francisco sa Surigao del Norte.
Intensity II naman ang naramdaman sa San Francisco a San Ricardo sa lalawigan ng Southern Leyte.
Bago ito ay naramdaman ang magnitude 3.6 (10:35 ng umaga) at 2.2 (10:33 ng umaga) sa lugar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending