Palasyo dumistansiya sa planong tanggalin ang plunder sa parusang kamatayan | Bandera

Palasyo dumistansiya sa planong tanggalin ang plunder sa parusang kamatayan

- February 12, 2017 - 03:29 PM
malacanang palace DUMISTANSIYA ang Palasyo sa hakbangin ng Kamara na hindi isama ang kasong plunder sa mga krimen na mapapatawan ng parusang kamatayan sakaling isabatas na ito.

Sa isang panayam sa government-run Radyo ng Bayan, iginiit ni Communications Secretary Martin Andanar na iginagalang ng Malacanang ang pagiging hiwalay na institusyon ng Kongreso.

“Iyan ay isyu ng lower House. Alam naman natin independiyente ang ating lower House pagdating sa pagbalangkas ng ating Saligang Batas. Kaya I defer to the Lower House and I respect…I would like to express that we at the Presidential Communications Operations Office respect their independence,” giit ni Andanar.

Ito’y sa harap naman ng mga batikos kaugnay ng hangarin ng mga mambabatas na iligtas ang mga mamapapatunayang guilty sa plunder sa parusang kamatayan.

Hindi rin direktang sinagot ni Andanar kung iaapela ng Malacanang ang naging desisyon ng Kamara.

“Hayaan po natin ang ano — ang Kongreso na balangkasin ito. They have ano, of course, maraming mga iba’t ibang opinyon sa Kongreso. Kaya antayin na lang po natin ang magiging debate sa Kongreso,” ayon pa kay Andanar.

Kabilang ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa mga prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Duterte, kung saan nagbanta pa si House Speaker Pantaleon Alvarez na tatanggalin niya ng posisyon ang mga opisyal ng Kamara na hindi susuporta rito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending