Simbahan hindi mabubusalan vs death penalty—bishop
SINABI ng isang dating pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi mabubusalan ang Simbahan sa pagsasalita para kontrahin ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan.
Idinagdag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, na kilalang kritiko ni Pangulong Duterte, na itutuloy ng Simbahan na igiit ang kahalagahan ng buhay kahit pa batikusin ang mga pari ng mga nagsisulong ng panukalang batas na nagbabalik sa parusang kamatayan.
Ito’y matapos namang batikusin ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga obispo kung saan tinawag pa niya ang mga ito na mga “bunch of shameless hypocrites.”
“I am not offended, I understand him (Alvarez). Kaya lamang napakahirap naman tumahimik ako bilang alagad ng Diyos pagkat pangalan ng Diyos ang sinusuway, wala akong kibo. Ano ako, manunuod?” sabi ni Cruz. “Huwag naman ganun. Kung gusto niyang pag-aralan ‘yung sinabi ko, sige lang salamat. Kung ayaw niya, tapon niya sa basura salamat din no problem.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.