Magic 6 ng 2nd TOFARM filmfest napili na | Bandera

Magic 6 ng 2nd TOFARM filmfest napili na

- February 12, 2017 - 12:40 AM
to farm PORMAL nang inanunsyo sa ginanap na media conference kamakailan ang mga official entry sa 2nd TOFARM Film Festival na magsisimula sa darating na July. Isinabay ang annoucement sa birthday celebration ng Chief Advocate ng TOFARM at Executive Vice-President ng Universal Harvester, Inc. na si Dr. Milagros How. Kasama rin ni Dr. How ang Festival Director na si direk Maryo J. delos Reyes sa nasabing event para ipaalam sa publiko na mas magiging exciting at matindi ang labanan ng mga entries ngayon kesa last year. Ayon kay direk Maryo, dahil sa tagumpay ng 1st TOFARM filmfest noong nakaraang taon ay napakaraming nag-submit ng entries. Sinala raw itong mabuti ng jury ng Script Selection para mapili ang anim na pelikulang bubuo sa ikalawang taon ng nasabing film festival na nagbibigay-parangal sa mga magsasaka. “This only proves that filmmakers are tremendously interested to participate in a festival that revolves around the farming industry and, at the same time, provides a venue for them to showcase their craft,” sabi pa ni direk Maryo. Narito ang mga entry na maswerteng nakapasok sa Final 6 ng 2nd TOFARM filmfest na may temang “Planting the seeds of change”: “Baklad” ni Topel Lee; “Hight Tide” na ididirek ni Tara Illenberger; “Instalado” ni Jason Paul Laxamana; “Kamunggay” to be directed by Victor Acedillo Jr.; “Sinandomeng” ni Byron Bryant at “What Home Feels Like” ni Joseph Abello. Samantala, kasabay ng announcement ng six official entries, inihayag din ng filmfest organizers ang magaganap na TOFARM Songwriting Competition kung saan 10 awitin ang maglalaban sa April 9 sa Samsung Hall ng SM Aura. Sa 10 finalists, may dalawang entry na magkapareho ng title, ang “Binhi Ng Pagbabago” composed by John Christian Jose at ang isa naman ay isinulat ni Gino Torres. Ang walo pang kalahok ay ang “Langit Ng Tagumpay” ni Elmar Jan Bolaño, “Magtatanim Ako” ni Edwin Marollano, “Ika’y Mahalaga” ni Henry Alburo, “Tiyaga Lang At Sipag” ni Robert David, “Bayani Ng Lupa” ni Agila Malaya, “Balik Na Salinlahi” ni En Gallardo, “Tayo” ni Daryl Cielo at “Magtanim Ng Bago” ni LJ Manzano. Ayon sa organizers ng TOFARM Songwriting Competition, maaring gamitin ang ilan sa mga awiting kalahok bilang theme song sa ilang pelikulang kasali sa TOFARM filmfest. Ang kilalang musical director na si Ria Villena-Osorio ang nasa likod ng kumpetisyong ito kasama ang selection panel na binubuo nina Josefino Chino Toledo, Luchie Roque, Olivier Ochanine at Jed Balsamo. Samantala, nagpasalamat naman ang taong nasa likod ng lahat ng ito na si Dr. Milagros How sa lahat ng mga sumuporta sa unang TOFARM filmfest at umaasa siya na patuloy silang susuportahan ng mga Pilipino sa taong ito. “We are greatly indebted to our farmers, and we at TOFARM can only do so much to make them feel that all their efforts are sincerely appreciated,” sabi pa ni Dr. How.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending