Duterte bumisita sa mga sinalanta ng lindol sa Surigao
DINALAW ni Pangulong Duterte ang mga nasalanta ng lindol matapos namang tumama ang magnitude 6.7 na lindol sa Surigao del Norte noong Biyernes ng gabi.
Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar sinabihan ni Duterte ang mga mining companies maging responsable sa kanilang pagmimina sa Surigao
“Mining companies should clean its own wastes while extracting minerals simultaneously. President Duterte asked the miners to replace the trees that were cut. In other words if they cannot be responsible, government will have to close mining operations in Surigao,” sabi ni Andanar.
Sa kanyang pagbisita, nag-inspeksyon si Duterte sa Surigao para makita ang tindi ng epekto ng lindol sa lalawigan.
“If Miners cannot clean and fix their act, it will lead to their eventual closure and the local communities will have to shift to agriculture, from mining, particularly in planting rice, rubber trees and coffee,” ayon pa kay Andanar.
Idinagdag ni Andanar na kabilang ang inuming tubig sa kinakailangan ng mga apektadong residente ng Surigao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.