PATAY ang isang pedestrian matapos mabangga ng isang rumaragasang motorsiklo sa bayan ng Pagbilao, Quezon, kagabi.
Ayon sa ulat, nasagasaan si Leonel Glorioso Lustares, 32, ng motorsiklong minamaneho ni Alejandro Abastillas Mohamad habang naglalakad pauwi sa Barangay Ibabang Polo ganap na alas-9 ng gabi.
Nagtamo ang biktima ng mga matinding pinsala at dinala sa MMG Hospital sa Lucena City, bagamat namatay habang ginagamot.
Nakakulong ang rider sa Pagbilao police jail.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending