Ang hindi pumapansin sa hibik ng mahihirap, daraing din balang araw, nguni’t walang lingap. —Kawikaan 21:13 MAYAMAN ang Banal na Aklat, ang Biblia, sa mga berso laban at hinggil sa mapang-api sa mahihirap, sa arawang obrero. Sa Lumang Tipan ay tila telenobelang pagsasalaysay sa pagpapalaya sa bansa, sa buong populasyon laban sa mapaniil na mga […]
HAY, sa wakas ay natapos na rin ang siyam na araw na kampanya para sa halalan sa barangay ngayon. Pero, iyan ang akala mo. Ang kampanya ay hindi natatapos sa araw na iniutos ng Commission on Elections, na, para sa kasalukuyang pamunuan, ay dumanas ng sunud-sunod sa semplang sa mataas na hukuman (ituring na lang […]
Makikita ng masasama ang pagkamatay ng mga matuwid. Nguni’t hindi nila mauunawaan na ito ang paraan ng pagliligtas ng Panginoon. —Karunungan ni Solomon 4:17 NAMATAYAN na nga, ginugutom pa. Saan patungo ang mga ginugutom na nilindol sa Bohol, na ngayon ay nagkakasakit na dahil sa walang malinis na tubig na maiinom? Sa ating nakalipas na […]
Di dapat tulutan ng hari ang gawang kasamaan. Pagkat ang tatag ng pamamahala ay nasa katarungan. —Kawikaan 16:12 NAKAPAGTATAKA, o nagkataon lang(?), na ang Ebanghelyo noong Okt. 4, ang araw ng pagsasagawa sa ikalawang Million People March sa Makati, ay may temang “Dahil sa ngalan mo, Poon, iligtas mo kami ngayon;” at ang Ebanghelyo noong […]
Kung mabuti ang hangarin, ikaw ay igagalang. Kapag humanap ng gulo, iyon ay masusumpungan. —Kawikaan 11:27 MERON tayong presidente, anak nina Ninoy at Cory. Siya’y mahal ng taumbayan. Labis ang pagmamahal sa kanya ng taumbayan, kung ang paniniwalaan ay ang resulta ng mga survey, gayong hindi ka naman tinanong bilang mamamayan. Meron ba tayong commander […]
ALAM na ng mahihirap, ng arawang obrero, ang sabwatang Janet Napoles at magnanakaw na mga politiko sa Senado’t Kamara. Napakahabang panahon na pala silang pinagnanakawan at ito’y alam ng pangulo, na siyang nag-aapruba ng pagpapalabas ng pera, ng Department of Budget and Management at ng Commission on Audit. Bagaman matagal na ring alam ng taumbayan […]
Nililinis ang labas ng plato at kopa, ngunit puno ng pagnanakaw at karahasan ang kalooban. —pagninilay-nilay sa Ebanghelyo noong Agosto 27, ika-21 linggo sa Karaniwang Panahon, Sim 139:1-3, 4-6 Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw. —Kawikaan 10:9 KUNG sana’y lumilingap lamang sa walang hanggang […]
MULA sa mali-maling ulat ng Commission on Audit, na ibinase sa kuwenta ng Department of Budget and Management at tinawag pang “kahindik-hindik,” hanggang sa tuluyang pagbasura ng pork barrel, mas lalong lumabo pa sa sabaw ng pusit ang isyu at problema. Ang mga nagsusulong ng malaking pagtitipon kontra pork barrel bukas sa Luneta ay hindi […]
Ang ulo niya’y kinalalamnan ng maraming bagay. —Jose Rizal, Si Kapitan Tiyago, Noli Me Tangere ARAW-araw ay nakikipaglibing ang sambayan, sa ayaw at sa gusto niya, sa mga isyung sumasabog at sumusulpot, sa mga balitang nangyayari at pinangyayari at ibig mangyari, lalo na ng nasa poder. Mas masalimuot ang mga nangyayari, mas gusto ito ng […]