Leifbilly Begas Archives | Page 5 of 535 | Bandera

Leifbilly Begas Archives | Page 5 of 535 | Bandera

4 kelot, 2 bebot huli sa P370K shabu

ARESTADO ang anim katao, kabilang ang dalawang babae, sa buy-bust operation sa Quezon City at nasamsam umano sa kanila ang P370,000 halaga ng shabu kagabi. Kinilala ang mga naaresto na sina Jeffrey Evangelista, 31, Ruel Salazar, 48, Carina Ybañez, 43, Sheryl Fernandez, 41, Ryan Christia Nicerio, 36, at Marlon Mendoza, 44. Nakabili umano ang poseur […]

1 patay sa sunog

NASAWI ang 60-anyos na lalaki sa sunog na tumupok sa dalawang bahay sa Las Piñas City kaninang umaga. Kinilala ang nasawi na si Fernando Manalo, ng  1126 Tramo st., Pulanglupa Uno. Ang bahay ay pagmamay-ari nina Pilar Macinas at Roberto Paliasa, ayon sa Bureau of Fire Protection. Mabilis na nakaresponde sa lugar ang mga bumbero […]

Magnitude 3.4 lindol yumanig sa Cebu

NIYANIG ng magnitude 3.4 lindol ang Cebu kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-4:55 ng umaga. Ang epicenter nito ay limang kilometro sa kanluran ng Alcantara at may lalim na 34 kilometro. Naramdaman ang Intensity I sa Argao, Cebu.

Magsasarang POGO pinababantayan, baka magpalit lang ng pangalan

PINABABANTAYAN ni House committee on ways and means chairman at Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang mga nagsasarang Philippine Offshore Gaming Corp., (POGO) dahil maaari na magpalit lamang umano ng pangalan ang mga ito upang matakasan ang buwis na kailangan nitong bayaran. “POGOs will still be liable to the law, as withholding agents of their […]

Wanted kumuha ng police clearance arestado

ISANG wanted ang inaresto habang kumukuha ng police clearance kahapon sa Quezon City matapos lumabas na ito ay mayroong warrant of arrest. Si Rochelle Vacnot, 54, ng Brgy. Payatas, ay mayroon umanong dalawang kaso ng paglabag sa Anti-Bouncing Check law (BP 22) na nakabinbin sa sala ni Judge Freddelyn Addug-Sanchez, ng Metropolitan Trial Court Branch […]

Virtual wedding panukala ng partylist solon

NAGHAIN ng panukala ang isang partylist congressman upang magkaroon na ng virtual wedding sa bansa. Sa ilalim ng House Bill 7042 na akda ni Kabayan Rep. Ron Salo ang lalaki at babaeng ikakasal ay nasa iisang lugar pero ang solemnizing officer o magkakasal ay nasa ibang lugar. Magkikita ang dalawang panig sa pamamagitan ng mga […]

Online system ng LTO magagamit na sa aplikasyon, renewal ng lisensya

SINIMULAN na ng Land Transportation Office ang online transaction para sa mga naga-apply at nagre-renew ng lisensya sa pagmamaneho. Ang Land Transport Management System (LTMS) ay magagamit na ng 24 na tanggapan ng LTO. Sa ilalim ng LTMS, makapagsusumite na ng online application para sa bago at renewal ng driver’s/conductor’s license. Maaari rin itong gamitin […]

Tulong ng LGUs sa mga paaralan kailangan–DILG

PINATUTULUNGAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan ang mga pampublikong paaralan at ipinagagamit ang Special Education Fund (SEF) para sa implementasyon ng Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) ng Department of Education (DepEd). Sinabi ni DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na dapat ay ipatawag ng mga […]

QC may pa-wage subsidy sa maliliit na negosyo

INAPRUBAHAN ng Quezon City Council ang economic stimulus package na magsa-subsidize sa bahagi ng suweldo ng mga empleyado ng mga maliliit na negosyo na naapektuhan ng pandemya. Ayon kay Mayor Joy Belmonte naglaan ang lungsod ng P700 milyon para sa “Kalingang QC Para sa Negosyo” program na nasa ilalim ng QC Small Business and Cooperatives […]

2 nasawi, 3 sugatan sa sunog

DALAWA ang nasawi at tatlo ang sugatan sa sunog sa Pasig City kaninang umaga. Kinilala ang mga nasawi na sina Rodolfo Eguillos, 40, at ang anak nitong si Paul Jacon Equillos, 10, mga taga Villa Tupaz, Brgy. San Joaquin. Nagtamo naman si Fercilina Eguillos ng first degree burn sa kaliwang paa. Si Marie Antonette, 18, […]

Previous           Next
What's trending