Alden nagbabala sa nagkakalat ng fake news, magdemanda kaya?

Alden nagbabala sa nagpapakalat ng fake news, magdemanda rin kaya?

Ervin Santiago |May 16,2024
facebook
share this

Alden nagbabala sa nagpapakalat ng fake news, magdemanda rin kaya?

Ervin Santiago - May 16, 2024 - 08:35 AM

Alden nagbabala sa nagpapakalat ng fake news, magdemanda rin kaya?

Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at Alden Richards

NAGBIGAY ng warning ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa publiko na huwag basta maniniwala sa mga naglalabasang balita sa social media.

Ito’y matapos mag-viral ang ilang post sa X (dating Twitter) kung saan nabanggit ang pangalan ni Alden pati na ng dating celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Baka Bet Mo: Lolit may bwelta sa mga nakikiepal sa lovelife ni Kris: Basta mahal mo ipagmalaki mo, ipaalam mo sa buong bayan

Ayon sa Kapuso superstar, kasinungalingan ang mga naturang tweets at never daw niyang sinabi ang mga nakasulat doon tungkol sa KathNiel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Base sa ulat ng “24 Oras” kagabi, muling ipinagdiinan ni Alden na gusto muna niyang gawing pribado kung anuman ang namamagitan sa kanila ngayon ni Kathryn.

“Kahit kailan po hindi po ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyadong nakakasama.

“At wala naman akong karapatan na manghusga sa taong tinutukoy dun sa mga fake tweets na kumakalat,” ang pahayag ni Alden sa naturang interview.

Patuloy pa ng binata, “Ingat lang po tayo sa fake news dahil ang social media po eh, pugad ng fake news.

Baka Bet Mo: Payo ni Vice sa madlang pipol: Basta lumaklak lang tayo ng good vibes araw-araw!

“So not until ‘yung mga official accounts po ng mga artista ang nag-post nu’ng mga tweets na kumakalat diumano, eh huwag po nating agad paniwalaan.

“At mag-fact check po muna tayo bago tayo mag-call out ng judgement,” sabi pa ni Alden.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang tanong, magsampa na rin kaya ng cyberlibel ang aktor tulad ng ginawa nina Bea Alonzo, Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan? Yan ang ating abangan!

Matatandaang muling nagkasama sina Alden at Kathryn nang gawaran ng parangal bilang Box-Office King & Queen 2024 ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) para sa pelikula nilang “Hello, Love, Goodbye.”

Sa isang hiwalay na panayam, nabanggit din ng aktor na “what you see is what you get” sa relasyon nila ni Kath.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Kathryn kung ano talaga ang estado ng relasyon nila ni Alden pero marami ang nagsasabi na feeling nila, may something nang namamagitan sa dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending