Lolit may bwelta sa mga nakikiepal sa lovelife ni Kris: Basta mahal mo ipagmalaki mo, ipaalam mo sa buong bayan | Bandera

Lolit may bwelta sa mga nakikiepal sa lovelife ni Kris: Basta mahal mo ipagmalaki mo, ipaalam mo sa buong bayan

Therese Arceo |August 13,2021
facebook
share this

Lolit may bwelta sa mga nakikiepal sa lovelife ni Kris: Basta mahal mo ipagmalaki mo, ipaalam mo sa buong bayan

Therese Arceo - August 13, 2021 - 01:22 PM


USAP-USAPAN na naman ang “Queen of All Media” na si Kris Aquino matapos ang sunud-sunod na pasabog nito sa publiko.

Magmula sa pagbabalik telebisyon nito kasama si Willie Revillame noong Agosto 8, muling na namang naging topic ng netizens ang TV host-actress matapos ang sweet birthday greeting nito sa mystery man na agad rin nabunyag bilang si former Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mel Senen Sarmiento.

Mas naging hot topic naman si Kris dahil ang lakas maka-knight in shining armor ni former DILG Sec. Sarmiento nang ipagtanggol nito si Kris sa patutsada ng isang basher.

Ayon kasi sa basher, “narcissistic” raw ang TV host-actress at sinabihan pang i-delete na lang niya ang kanyang social media accounts para “fair” sa mystery man. Dagdag pa nito, madami raw hanash si Kris at kung tatakbo raw ito sa eleksyon ay tumakbo na lang.

Dito na nga umeksena si Sarmiento na ginamit pa ang IG account ni Kris para ipagtanggol siya.

Dito na nga mas nag-trending ang dalawa. Umani rin ng papuri ang mga ito at sana raw ay “forever” na ang relasyon.

Isa na nga si Lolit Solis sa nagpahayag ng opinyon sa bagong lovelife ni Kris.

Ayon sa kanya, madalas na nagiging problema ay kapag si Kris ang nakakarelasyon, masyadong nagiging public ang lahat kaya sa tuwing magbe-break ay alam agad ng madlang pipol.
“Bakit kailangan maka apekto iyon sa naging karelasyon niya ? Nasa kanila naman iyon kung paano dadalhin , so very public kayo, ano problema? Basta mahal mo ipagmalaki mo, ipaalam mo sa buong bayan,” saad ni Manay Lolit.

Hirit pa niya, hindi naman daw ito kasalanan ng aktres dahil public figure ito at habulin talaga ng balita.

Dagdag pa niya, may career at mukhang manly ang bagong sinisinta ni Krissy lalo na’t buong tapang nitong pinagtanggol ang aktres sa mga bashers nito.

“ Mukha naman kayang kaya ito ni Mr. Mel Sarmiento, dahil on his own marami din siyang achievements, kung lumantad man siya, kaya niyang dalhin, kaya niya lahat tanggapin,

“At sana nga ito na ang ‘the man’. Sana nga ito na ang talagang nakatakda para kay Kris Aquino, sana ito na ang kanyang forever. Ang magiging father nila Joshua at Bimby. Ang bubuo ng pamilya ni Kris, ng safety haven for her. Congrats Kris, stay safe and happy,” dagdag nito.

Sa isa pa nitong post, pinuri niya ang kakaibang glow nito nang muling magbalik telebisyon. Dagdag pa nito mukhang very happy at very inspired ang awra ng actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayon, alam na natin ang dahilan ng pagiging blooming ng aktres. At ano pa nga ba ang bago? Isa na namang malaking “sana all” ang love life ni Krissy para sa mga single madlang pipol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending