QC may pa-wage subsidy sa maliliit na negosyo
INAPRUBAHAN ng Quezon City Council ang economic stimulus package na magsa-subsidize sa bahagi ng suweldo ng mga empleyado ng mga maliliit na negosyo na naapektuhan ng pandemya.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte naglaan ang lungsod ng P700 milyon para sa “Kalingang QC Para sa Negosyo” program na nasa ilalim ng QC Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) at Local Economic Investment Promotions Office (LEIPO).
“This program aims to help our micro and small entrepreneurs meet ongoing business costs by providing wage subsidies that can help keep their employees and business operations until they get back on their feet,” ani Belmonte.
Sinabi ni SBCDPO head Mona Celine Yap na ang mga kuwalipikadong micro and small business ay makatatanggap ng wage subsidy mula Hulyo hanggang Setyembre.
Maaaring mag-aplay sa QC E-Service Portal mula Hulyo 6-20. Ilalabas ang guidelines at kondisyon ng programa sa mga susunod na araw.
Kasali sa programa ang mga Quezon City-registered micro-enterprises na wala pang siyam ang empleyado o ang kapital ay hindi aabot ng P3 milyon gaya ng sari-sari stores, canteens, laundry shops, computer shops, printing shops, at iba pa.
“Micro enterprises that are forced to suspend or reduce business operations, experienced revenue decrease or loss, those currently operating or plan to re-open by July 2020 can also apply,” ani Yap.
Tutulungan din ng programa ang mga empleyado na nasa micro business enterprises maging ito man ay regular, probationary, regular seasonal, project-based, o fixed-term.
Kasali rin sa programa ang mga rehistradong small enterprises na may 10 hanggang 99 empleyado at ang kapital ay mahigit P3 milyon hanggang 15 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.