outbrain

2 nasawi, 3 sugatan sa sunog

By Leifbilly Begas June 30,2020
share this

2 nasawi, 3 sugatan sa sunog

By Leifbilly Begas June 30,2020
share this

DALAWA ang nasawi at tatlo ang sugatan sa sunog sa Pasig City kaninang umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rodolfo Eguillos, 40, at ang anak nitong si Paul Jacon Equillos, 10, mga taga Villa Tupaz, Brgy. San Joaquin.

Nagtamo naman si Fercilina Eguillos ng first degree burn sa kaliwang paa. Si Marie Antonette, 18, ay third degree burns sa magkabilang kamay at first degree burns sa mukha at paa, samantalang si John Rofer Eguillos, 16, ay nagtamo ng sugat sa kanang bahagi at likod at kaliwang binti.

Nagsimula ang sunog ala-1:10 ng umaga sa 116 Villa Tupaz Brgy San Joaquin, na tinitirahan ni Merlina Dalayday.

Agad umanong kumalat ang apoy sa dalawang palapag na bahay.

Umakyat sa unang alarma ang sunog na naapula ala-1:50 ng umaga.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending