outbrain

NTC ipinatigil na ang pagpapalabas ng ABS-CBN programs sa TVplus, Skycable operation

By Leifbilly Begas July 01,2020
share this

NTC ipinatigil na ang pagpapalabas ng ABS-CBN programs sa TVplus, Skycable operation

By Leifbilly Begas July 01,2020 - 04:21 AM

TULUYAN nang ipinatigil ng National Telecommunications Commission ang pagpapalabas ng ABS-CBN sa TVplus at ipinasara ang subsidiary nito na SkyCable dahil sa expired na prangkisa.

Sa isang Order, ipinahinto ng NTC ang ABS-CBN sa pagpapalabas nito gamit ang Channel 43 na siyang pumapasok sa mga TVplus digital boxes.

Sa isang pahayag sinabi ng ABS-CBN na natanggap nito ang Order alas-2:26 ng hapon.

“…digital TV transmission in Metro Manila using channel 43 will cease tonight (June 30), consistent with the intent of the alias CDO (Cease and Desist Order),” saad ng pahayag ng ABS-CBN.

Nangangahulugan na hindi na mapapanood ang Teleradyo, Jeepney TV, Yey!, Asianovela Channel, CineMo, at KBO.

“ABS-CBN has a pending petition with the Supreme Court questioning the NTC’s CDO and hopes that such petition will be resolved soon in its favor so that it can resume broadcasting on both analog and digital platforms in the service of the Filipino.”

Sa isyu naman ng SkyCable sinabi ng NTC na nag-expire na ang prangkisang ipinagkaloob dito ng Kongreso noong Mayo 4.

Pinagpapaliwanag din ang SkyCable kung bakit hindi dapat kunin ng NTC ang radio frequency na ginagamit nito.

Sa isang pahayag sinabi ng SkyCable na susunod ito sa Order ng NTC.

“SKYdirect’s 1.5 million subscribers nationwide, including those in remote areas that do not receive television signals, will be deprived of access to the channels we carry that bring them news, information, education, and entertainment starting tonight June 30, 2020.”

Gagawin umano ng SkyCable ang lahat ng legal na paraan upang muli silang makapagserbisyo.

“In the spirit of fairness, we continue to appeal to the NTC to extend the same privilege given in the past to other companies whose franchises have expired but are currently pending in Congress to continue its operations until a resolution is passed.”

Haharapin umano ng SkyCable ang mga tungkulin nito sa kanilang mga subscribers at partners na maaapektuhan ng desisyon.

“We will refund all unconsumed prepaid loads and advance postpaid payments. We appeal to our SKYdirect subscribers and partners for understanding and patience as we undergo this process.”

Hindi naman umano apektado ang internet service ng SkyCable.

“Our valued subscribers of SKYcable and SKY broadband, however, will continue to enjoy uninterrupted services as they are unaffected by the franchise expiration.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending