outbrain

Wanted kumuha ng police clearance arestado

By Leifbilly Begas June 30,2020
share this

Wanted kumuha ng police clearance arestado

By Leifbilly Begas June 30,2020
share this

Jail

ISANG wanted ang inaresto habang kumukuha ng police clearance kahapon sa Quezon City matapos lumabas na ito ay mayroong warrant of arrest.

Si Rochelle Vacnot, 54, ng Brgy. Payatas, ay mayroon umanong dalawang kaso ng paglabag sa Anti-Bouncing Check law (BP 22) na nakabinbin sa sala ni Judge Freddelyn Addug-Sanchez, ng Metropolitan Trial Court Branch 68 ng Pasig City.

Si Vacnot ay inaresto alas-11:20 ng umaga habang kumukuha ng clearance sa Police Clearance Section na nasa Quezon City Hall.

Naaresto naman sa operasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit si Arlan Magbanua, 18, alas-4:30 ng hapon sa 303 Boni Serrano Rd., Brgy. Bagong Lipunan.

Hinuli siya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Mary Catherine Noblejas-Garcia ng Family Court Branch 14 ng San Juan City sa kasong child abuse.

Samantala, nalaman ng Talipapa Police na ang naaresto nito sa kasong paglabag sa illegal drugs law na si Isaias Chua, 36, ng Brgy. Pasong Tamo, ay wanted din sa kaparehong kaso.

Ang arrest warrant laban kay Chua ay ipinalabas ni Judge Marion Jacqueline Poblete, ng Regional Trial Court branch 3 ng Balanga City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending