LIBU-LIBONG residente ang nagsilikas sa iba-ibang bahagi ng Hilagang Luzon, Lunes, bago ang inaasahang pagtama sa kalupaan ng bagyong Rosita. Sa Isabela lamang, 495 pamilya o halos 2,000 katao ang naitalang nasa mga evacuation centers na bago mag-alas 5 ng hapon, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense-Cagayan Valley. Ang mga naturang pamilya’y residente […]
APAT katao, kabilang ang isang batang babae, ang naswi habang di bababa sa anim pa ang nasugatan nang masangkot sa aksidente ang isang trailer truck, tricycle, pampasaherong bus, at kotse, sa bahagi ng Maharlika Highway na nasa Sto. Tomas, Batangas, Lunes ng umaga. Tatlo sa mga nasawi, nakilala bilang sina Rencie Bautista, 33, engineer; Remedios […]
NASAWI ang 26-anyos na babae at dalawa niyang anak nang lamunin ng apoy ang kanilang apartment unit sa Alfonso, Cavite, Miyerkules ng hapon, ayon sa pulisya. Nasawi sina Lovely Jassem, at mga anak niyang sina Rylai Lexi, 5; at Rijin Lex, 1, ayon sa ulat ng Cavite provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-2:30, sa […]
PINASISIBAK ni National Police chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang tatlong kadete ng PNP Academy (PNPA) na diumano’y sangkot sa pagpaparusa ng oral sex sa dalawang plebo. “Kailangan ma-dismiss ‘yan sa serbisyo. We can assure you na maliban sa criminal case, magkakaroon pa sila ng administrative charges that will lead to their dismissal from cadetship,” […]
TATLO katao ang nasawi at tatlo pa ang nasagip matapos maguhuan ng lupa sa isang village sa Baguio City, iniulat ng pulisya Lunes. Idineklarang patay sa ospital sina Lemuel Malate, John Ray Daus, at isang “Jeff,” pawang mga trabahador at tubong Pangasinan, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng […]
NASAWI ang isang dating alkalde ng Milaor, Camarines Sur, habang sugatan ang kasalukuyang vice mayor, isang konsehal, at body guard nang maaksidente ang sinakyan nilang sports utility vehicle sa bayan ng Ragay, Lunes ng madaling-araw. Binawian ng buhay si dating Mayor Andre Hidalgo habang nilulunasan sa Mother Seton Hospital ng Naga City, sabi ni Chief […]
PATAY ang siyam na nagtatanim ng tubo, ilan sa kanila ay mga babae at menor-de-edad, matapos pagbabarilin ang kanilang tent sa Sagay City, Negros Occidental, Sabado ng gabi, ayon sa pulisya. Sinunog pa umano ang tatlo sa mga biktima matapos pagbabarilin, samantalang nakaligtas ang ibang nagtatanim matapos magtatakbo at magtago sa dilim. Kabilang sa mga […]
NASAWI ang isang lalaking tumatakbo bilang konsehal nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin malapit sa kanyang bahay sa San Antonio, Nueva Ecija, Biyernes ng hapon. Nakilala ang nasawi bilang si Allan Joson, residente ng Brgy. Julo, sabi ni Chief Supt. Amador Corpus, direktor ng Central Luzon regional police. Nakatayo si Joson sa kalsadang […]
NASAWI ang pinuno ng drug enforcement unit ng pulisya sa Gen. Trias City, Cavite, nang sumpungin umano ng karamdaman habang naniniktik sa mga tulak ng droga. Nakilala ang nasawi bilang si SPO2 Benny Sabio, 38, pinuno ng Station Drug Enforcement Unit, ayon sa ulat ng Cavite provincial police. Naganap ang insidente Biyernes ng madaling-araw, habang […]
HINDI bababa sa 28 katao, na kinabibilangan ng ilang matanda, buntis, at bata, ang nasugatan nang mauwi sa stampede ang programang isinagawa sa padiriwang ng Pantawid Pamilya Day sa Cauayan, Negros Occidental, Huwebes ng hapon. Kabilang sa mga sugatan ang tatlong babaeng lampas sa edad 60, dalawang batang edad 2 taon at 2 buwan, at […]
LIMA katao ang nasawi at di bababa sa pito pa ang nasugatan nang masangkot sa aksidente ang 12 sasakyan sa Daraga, Albay, Biyernes ng umaga, ayon sa pulisya. Apat na di pa kilalang tao ang dead on the spot at isa ang idineklarang patay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City, sabi […]