5 patay, 7 sugatan sa karambola ng 12 sasakyan | Bandera

5 patay, 7 sugatan sa karambola ng 12 sasakyan

John Roson - October 19, 2018 - 06:43 PM

LIMA katao ang nasawi at di bababa sa pito pa ang nasugatan nang masangkot sa aksidente ang 12 sasakyan sa Daraga, Albay, Biyernes ng umaga, ayon sa pulisya.

Apat na di pa kilalang tao ang dead on the spot at isa ang idineklarang patay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City, sabi ni Chief Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng regional police.

Naganap ang insidente sa Brgy. Malabog, dakong alas-9:51.

“Twelve vehicles were involved,” ani Calubaquib, gamit bilang basehan ang ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.

Bago ang karambola’y nakitang pagewang-gewang ang isa sa mga nasangkot na dump truck, at tumama sa isang mahabang trak, sports utility vehicle, dalawang jeepney, at apat na motorsiklo, ayon sa isang ulat sa radyo.

Sa lakas ng impact, naitulak ang mahabang trak sa isang hardware store, habang ang dump truck ay bumaligtad at natapon sa kalsada ang mga karga nitong bato, ayon sa ulat.

Napag-alaman na bago pa ito’y nahagip ng parehong dump truck ang dalawang tricycle at isa pang trak, sabi pa sa ulat.

Agad nagpadala ng mga tauhan ang Daraga Police sa pinangyarihan para mag-imbestiga, ani Calubaquib. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending