Albayalde: 3 kadete in PNPA ‘oral sex’ scandal sibakin
PINASISIBAK ni National Police chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang tatlong kadete ng PNP Academy (PNPA) na diumano’y sangkot sa pagpaparusa ng oral sex sa dalawang plebo.
“Kailangan ma-dismiss ‘yan sa serbisyo. We can assure you na maliban sa criminal case, magkakaroon pa sila ng administrative charges that will lead to their dismissal from cadetship,” sabi ni Albayalde sa mga reporter.
Una dito, sinabi ni PNPA director Chief Supt. Joseph Adnol na hinahanda na ng akademya ang kasong administratibo, habang magsasampa naman ng magkahiwalay na kasong kriminal ang mga biktima.
Nag-ugat ang mga kaso sa insidente noong Oktubre 6, na inireklamo ng dalawang underclassmen dahil sa umano’y pag-puwersa sa kanilang mag-“oral sex,” sa utos ng isang upperclassman, aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.