NAPATAY ng mga pulis ang isang barangay kagawad ng Alimodian, Iloilo, Biyernes ng hapon, matapos niya umanong barilin at masugatan ang isang kapwa nila alagad ng batas. Napatay si Ritchel Misare, kagawad ng Brgy. Pianda-an, nang manlaban sa mga pulis na tumigis sa kanya, sabi ni Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng Western Visayas regional police. […]
NILAMON ng apoy ang imbakan ng bala ng Navy sa Sangley Point, Cavite, Biyernes ng umaga, ngunit walang naiulat na nasugatan. Nagsimula ang apoy sa isa sa mga bunker sa Naval Ordnance Depot dakong alas-5:30, sabi ni Navy spokesman Cmdr. Jonathan Zata. Laman ng naturang bunker ang mga bala sa maliliit na kalibre ng baril, […]
AABOT sa P430,000 halaga ng ari-arian ang naabo nang lamunin ng apoy ang isang grupo ng mga bahay sa Ivana, Batanes, iniulat ng pulisya Miyerkules. Naapektuhan ng sunog ang bahay ng barangay kagawad na si Prescila Ebina, government employee na si Alfredo Barsana Jr., at isang Roger Ebina, ayon sa ulat ng Cagayan Valley regional […]
DALAWANG tao ang nasawi at 11 pa ang nasugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang pampasaherong van sa isang nakaparadang trak sa Bago City, Negros Occidental, Lunes ng umaga. Dead on arrival ang helper ng van at isang pasahero, na kapwa inaalam pa ang pagkakakilanlan, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police. Dinala sa isang […]
NASAWI ang isang kawal nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang New People’s Army sa General Nakar, Quezon, nitong Linggo. Nakilala ang nasawi bilang si Pvt. James Lanes, residente ng Sultan Kudarat at nakatalaga sa 92nd Infantry Battalion, sabi ni Capt. Patrick Jay Retumban, tagapagsalita ng Army 2nd Infantry Division. Unang nakasagupa ng mga […]
PATAY ang dalawang lalaki nang masalpok ng isang utility vehicle ang sinakyan nilang motorsiklo sa Labo, Camarines Norte, Sabado ng gabi. Agad nasawi sina John Carlo Sureta, 19, at Eugene Nolasco, 18, dahil sa matinding pinsala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Bicol regional police. Naganap ang insidente dakong alas-9:30, sa Brgy. […]
LIMANG militiaman na nagtrabaho sa pagtatayo ng tanggapan ng Department of Public Works and Highways sa Natonin, Mountain Province, ang kabilang sa mga nasawi’t nawala nang tamaan ng landslide ang gusali noong kasagsagan ng bagyong Rosita, ayon sa militar Biyernes. Sa lima, tatlo na ang kumpirmado nang nasawi, at nakilala bilang sina Leobel Orchilion, Linang […]
NATAGPUANG patay ang isang babae sa isang motel sa Tanauan City, Batangas, Huwebes ng hatinggabi, matapos mag-check in kasama ang di pa kilalang lalaki. Nadiskubre na lang ng room attendant na nakahandusay sa sahig ang babae, na nakilala lang sa tawag na “Shane, dakong alas-11:30, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Walang salpot at […]
NASAWI ang isang matandang babae at dalawa niyang apo nang lamunin ng apoy ang isang grupo ng mga bahay sa Jaro district, Iloilo City, Biyernes ng umaga. Nakilala ang mga nasawi bilang sina Natividad Panonciano, at mga apo niyang sina Ivan at Eman Apongol, kapwa menor de edad, sabi ni Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng […]
PATAY ang isang nanay at kanyang apat na anak, samantalang sugatan ang tatlong iba pa matapos masunog ang isang aparment sa Iligan City, bago magdaling araw, ayon sa mga otoridad. Kabilang sa mga nasawi ay ang nanay na si Elizabeth Baricuatro, 35; at kanyang mga anak na sina Francis, 14; Jethan, 9; Nathaniel, 7; at […]
NASAWI ang 61-anyos na ginang matapos pagtatagain ng anak, na diumano’y may sakit sa pag-iisip, sa kanilang bahay sa Pigcawayan, North Cotabato, Lunes ng gabi. Pinutol pa ng 36-anyos na suspek ang mga braso, binti, at ulo ng biktima, at niluto pa ang isang parte na hinihinalang sinubukan niyang kainin, sabi ni Supt. Bernard Tayong, […]