AABOT sa P430,000 halaga ng ari-arian ang naabo nang lamunin ng apoy ang isang grupo ng mga bahay sa Ivana, Batanes, iniulat ng pulisya Miyerkules.
Naapektuhan ng sunog ang bahay ng barangay kagawad na si Prescila Ebina, government employee na si Alfredo Barsana Jr., at isang Roger Ebina, ayon sa ulat ng Cagayan Valley regional police.
Nagsimula ang sunog sa Brgy. Radiwan dakong alas-11 ng umaga Martes, at naapula ng mga bumbero pasado alas-12 ng tanghali.
Pinaniniwalaang mula ang apoy sa kusina ng kagawad, kung saan may napabayaang panggatong na may sindi.
Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente, at wala ring natagpuang tanda na sinadya ang sunog, ayon sa pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.