John Roson Archives | Page 58 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 58 of 149 | Bandera

Ex-Sexbomb dancer, 1 pa dakip sa buy-bust

ARESTADO ang isang dating miyembro ng grupong Sexbomb at isang lalaki nang makuhaan ng aabot sa P70,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Bay, Laguna, Linggo ng gabi. Nadakip si Sheena Joanna Uypico, 33, residente ng San Pablo City, at ang tricycle driver na si Elmer Senorises, sa paradahan ng isang fastfood outlet […]

Pamilya minasaker ng parak

PINAGHAHANAP ngayon ang isang pulis na bumaril at nakapatay sa tatlong miyembro ng pamilya, na kinabibilangan ng isang bata, sa Quezon City, Biyernes ng madaling-araw. Tumanggi muna ang Quezon City Police District na pangalanan ang suspek dahil sa isinasagawang manhunt, pero sinabi na ito’y isang pulis na nakatalaga sa Caloocan City. Nakilala naman ang mga […]

Chinese tsinap-chop; 4 dakip

ARESTADO ang apat na Chinese national para sa umano’y pagpatay sa isang babae nilang kababayan, sa loob ng isang condominium unit sa Makati City. Iniimbestigahan na ang mga suspek na sina Zhang Chuning, 22, babae; Zhang Cha Quan, Wang Xue, at Zhang Yi Xi, pawang mga lalaki, ayon sa ulat ng Southern Police District. Bago […]

Kawal namaril sa school; teacher patay, stude sugatan; suspek nag-suicide

NASAWI ang isang guro at sugatan ang isang estudyante nang mamaril ang sundalo sa loob ng paaralan sa Bocaue, Bulacan, Miyerkules ng umaga. Matapos mamaril ay nag-suicide ang kawal, na nakilala bilang si Ruperto Datwin, miyembro ng Army, ayon sa ulat ng Bulacan provincial police. Naganap ang insidente sa Tambubong Elementary School ng Brgy. Tambubong, […]

Coed nilitratuhan habang naliligo; stude dakip

ARESTADO ang isang college student matapos umanong litratuhan ang isang babaeng kapwa estudyante, habang naliligo sa isang boarding house sa Baguio City, ayon sa pulisya. Nakaditine ngayon si Marlo Delaraga, 22, estudyante ng University of Baguio, matapos ipagharap ng kso sa piskal, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Dinampot siya ng mga tauhan ng […]

Paslit, 1 pa patay sa pamamaril

DALAWANG tao, kabilang ang isang 7-anyos na batang babae, ang nasawi habang isa pa ang nasugatan nang pagbababrilin ng mga di pa kilalang salarin sa Batangas City, Miyerkules ng gabi. Nakilala ang mga nasawi bilang si John Kenneth Lumanglas at ang batang si Raizel Gabrielle Vergara, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Sugatan naman […]

Napagkamalang aswang; ginang pinatay, sinunog ng anak

NASAWI ang 63-anyos na ginang sa Sipalay City, Negros Occidental, matapos hambalusin at sunugin pa ng kanyang anak, na diumano’y napagkamalan siyang aswang. Nakaditine ngayon sa lokal na istasyon ng pulisya ang 42-anyos na suspek, na pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police. Nakupo ang ginang sa loob ng […]

Rebelde patay, pampasabog nasamsam sa engkuwentro

NAPATAY ang isang kasapi ng New People’s Army habang ilang pampasabog at gamit sa panununog ang nasamsam nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang rebeldeng grupo sa Igbaras, Iloilo, nitong Lunes. Nakilala na ang napatay na rebelde bilang si Casimiro Talaman alyas “Ka Boy,” residente ng Tubungan, sabi ni Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng […]

Buntis niratrat sa terrace

SUGATAN ang buntis nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa kanyang bahay sa San Jacinto, Pangasinan, Lunes ng gabi. Itinakbo si Mary Ann Aoanan, 39, sa pagamutan sa Dagupan City para malunasan, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police. Naganap ang insidente alas-6:55, sa Brgy. Bagong Pag-asa. Nasa terrace ng bahay si Aoanan […]

Kagawad tinumba

NASAWI ang isang barangay kagawad nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa Burgos, Isabela. Dead on arrival sa ospital si Leonardo Albano, 69, residente’t kagawad ng Brgy. Caliguian, ayon sa ulat ng Cagayan Valley regional police. Naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga Lunes, sa bahagi ng provincial road na sakop ng Brgy. San […]

3 paslit nilamon ng ilog

NALUNOD ang tatlong bata nang mag-swimming sa isang ilog sa General Trias City, Cavite, Biyernes ng hapon. Itinakbo pa sa ospital sina Fatima Salas, 11; Cristina Salas, 10; at pinsan nilang si Gergen Salas, 7, ngunit pawang mga di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente dakong ala-1:30, […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending