Rebelde patay, pampasabog nasamsam sa engkuwentro | Bandera

Rebelde patay, pampasabog nasamsam sa engkuwentro

John Roson |November 13,2018
facebook
share this

Rebelde patay, pampasabog nasamsam sa engkuwentro

John Roson - November 13, 2018 - 06:53 PM

NAPATAY ang isang kasapi ng New People’s Army habang ilang pampasabog at gamit sa panununog ang nasamsam nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang rebeldeng grupo sa Igbaras, Iloilo, nitong Lunes.

Nakilala na ang napatay na rebelde bilang si Casimiro Talaman alyas “Ka Boy,” residente ng Tubungan, sabi ni Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng Western Visayas regional police.

Nakuhaan si Talaman ng isang backpack na may mga bala ng riple, isang improvised na bomba, at tatlong galon ng gasolina na pinaniniwalaang ipansusunog ng kanyang grupo sa pasilidad ng isang energy company.

Naganap ang engkuwentro dakong alas-11:20 ng umaga, sa Sitio Butuan, Brgy. Igcabugao.

Nagsagawa ng operasyon ang mga miyembro 61st Infantry Battalion sa naturang lugar dahil sa ulat ng mga residente na may namataang di bababa sa 10 armado doon, sabi ni 1Lt. Hazel Joy Durotan, tagapagsalita ng naturang military unit.

Pinaputukan ng mga rebelde ang mga kawal kaya gumanti ang huli at nagkaroon ng 30-minutong sagupaan, aniya.

Walang naiulat na nasawi sa mga sundalo. Matapos ang palitan ng putok, dinampot ang siyam kataong namataan sa encounter site.

Dinala ang siyam sa Igbaras Police Station para sa pagtatanong, ngunit pinawalan din matapos mapatunayang silang pawang mga residente at napadaan lang nang maganap ang engkuwentro, ani Malong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending