SUGATAN ang tatlong lalaki nang paulanan ng bala habang nagkakape sa isang tindahan sa Ilog, Negros Occidental, Huwebes ng umaga. Itinakbo sa pagamutan sina Rey Menodiado, 52, driver; Elesio Villa, 38, security guard; at Arnold Cordero, 47, driver, dahil sa mga tama ng bala, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police. Naganap ang insidente […]
APAT pa katao ang nasawi at dalawa ang naospital dahil umano sa ininom na lambanog, sa Santa Rosa City, Laguna, iniulat ng pulisya Huwebes. Naiulat ang insidente ilang araw lang matapos masawi ang apat katao at maospital ang 13 pa, dahil din umano sa lambanog, sa Novaliches, Quezon City. Nakilala ang mga nasawi sa pinakahuling […]
APAT na tricycle driver ang nasawi at 13 pa ang naospital matapos diumanong malason sa ininom na lambanog, sa Novaliches, Quezon City, ayon sa pulisya Martes. Pinakahuling nasawi si Crispulo Mateo Jr., na binawian ng buhay sa ospital pasado alas-2 ng hapon, ayon sa ulat ng Quezon City Police District. Una dito’y nasawi rin ang […]
ISANG babae ang nasawi at 18 pa katao ang nasugatan nang bumaligtad ang sinakyan nilang van sa bahagi ng Southern Tagalog Arterial Road (Star) Tollway na sakop ng Lipa City, Batangas, Lunes ng umaga. Dead on the spot ang isa sa mga sakay ng van na si Maxine Guinevere Vivas, habang ang 18 pa’y dinala […]
IPINA-DISMISS na ng pamunuan ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang tatlong kadete na nasangkot sa pagpaparusa ng oral sex sa dalawang mas nakababatang kadete. Nilabag ng tatlo ang isang probisyon sa PNPA Cadet Guide at nasampahan ng conduct unbecoming of an officer, isang kasong administratibo, sabi ni Chief Supt. Jose Chiquito Malayo, PNPA superintendent. […]
NASAWI ang 3-anyos na batang lalaki at nasugatan ang kanyang lola’t pinsan, nang mabagsakan ng malaking bato ang kanilang bahay sa Santa Maria, Bulacan, Biyernes ng hapon. Nahugot ng mga rescuer ang batang si Leonard Dorimon Jr. dakong alas-4 ng umaga Sabado at agad dinala sa ospital, ngunit di na siya umabot nang buhay, sabi […]
NASAWI ang isang matandang lalaki nang barilin ng barangay kagawad matapos nilang magsuntukan, sa Malasiqui, Pangasinan, Biyernes ng gabi. Itinakbo sa pagamutan si Pompiyo Manangan, 61, dahil sa tama ng bala sa katawan, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-7:30, sa Brgy. Bakitiw. Naglalakad […]
NASAWI ang isang pulis na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa Pasig City, Huwebes ng gabi. Dead on arival sa ospital si PO2 Manuel Melendrez III, 48, dahil asa mga tama ng bala sa katawan, ayon sa ulat ng Eastern Police District. Naganap […]
NASAWI ang kilalang negosyante, na pinuno ng isa sa pinakamalaking auction firms sa bansa, nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa labas ng hotel sa Subic Bay Freeport Zone, Miyerkules ng gabi. Agad ikinasawi ni Dominic Sytin, founder at chief executive officer ng United Auctioneers Inc. (UAI), ang tama ng bala sa likod at […]
LAMPAS 5,000 drug suspect na ang napapatay sa giyera kontra droga ng pamahalaan, ayon sa mga otoridad. Umabot sa 4,999 ang napatay mula Hulyo 1, 2016 hanggang nitong nakaraang Oktubre 31, batay sa talang inilabaas ng pamahalaan, Martes. Di pa kasama dito ang dose-dosenang napatay ngayong buwan ng Nobyembre, kabilang ang 11 naitala sa rehiyon […]
NASAWI ang buntis na guro matapos takpan ng unan ng mister ang kanyang mukha dahil umano sa pagseselos, sa Dumaguete City, Negros Oriental, Martes ng umaga. Nakilala ang biktima bilang si Virginia Montesor, isang public school teacher sa Brgy. Dubdub, Valencia, na 7-buwang buntis, ayon sa ulat ng Central Visayas regional police. Naganap ang insidente […]