Higit 5,000 patay sa anti-drug ops | Bandera

Higit 5,000 patay sa anti-drug ops

John Roson - November 27, 2018 - 08:10 PM

LAMPAS 5,000 drug suspect na ang napapatay sa giyera kontra droga ng pamahalaan, ayon sa mga otoridad.

Umabot sa 4,999 ang napatay mula Hulyo 1, 2016 hanggang nitong nakaraang Oktubre 31, batay sa talang inilabaas ng pamahalaan, Martes.

Di pa kasama dito ang dose-dosenang napatay ngayong buwan ng Nobyembre, kabilang ang 11 naitala sa rehiyon ng Calabarzon nito lang Linggo, Lunes, at Martes.

Sa Laguna, anim na drug suspect ang napatay sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa mga bayan ng Kalayaan, Cavinti, Lumban, at Binan City mula Lunes ng gabi hanggang Martes ng madaling-araw.

May tig-isa ring napatay sa mga operasyon sa Tanauan City, Batangas, at Lucena City, Quezon, Martes ng umaga, ayon sa ulat ng regional police.

Una nang napaulat na may tatlong napatay sa mga buy-bust sa Laguna, mula Linggo ng gabi hanggang Lunes ng umaga.

Kaugnay nito, inulat naman ng pamahalaan na 161,584 na ang naarestong drug suspect at may mahigit 290,000 nagsisuko ang nakapagtapos na sa “recovery and wellness program.”

Umabot sa 8,935 barangay na ang “drug cleared,” habang 23,161 pa ang di pa maiuturing na ganito dahil sa pagkakaroon o hinihinalang presensya ng iligal na droga. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending