3 nagkakape sugatan sa pamamaril

By John Roson December 06,2018
share this

3 nagkakape sugatan sa pamamaril

By John Roson December 06,2018
share this

SUGATAN ang tatlong lalaki nang paulanan ng bala habang nagkakape sa isang tindahan sa Ilog, Negros Occidental, Huwebes ng umaga.

Itinakbo sa pagamutan sina Rey Menodiado, 52, driver; Elesio Villa, 38, security guard; at Arnold Cordero, 47, driver, dahil sa mga tama ng bala, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police.

Naganap ang insidente sa isa sa mga tindahan sa Sitio Malabong, Brgy. Andulauan, dakong alas-6.

Nagkakape ang tatlo sa naturang tindahan bago pumasok sa kani-kanilang trabaho, nang paputukan ng revolver ng isang Jerry Arroz, 50, ayon sa ulat.
Matapos ang insidente’y agad tumakas ang salarin, na sinasabing nagseselos sa isa sa mga biktima.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending