TODA tumba sa lambanog; 4 patay, 13 naospital | Bandera

TODA tumba sa lambanog; 4 patay, 13 naospital

John Roson |December 04,2018
facebook
share this

TODA tumba sa lambanog; 4 patay, 13 naospital

John Roson - December 04, 2018 - 06:05 PM

APAT na tricycle driver ang nasawi at 13 pa ang naospital matapos diumanong malason sa ininom na lambanog, sa Novaliches, Quezon City, ayon sa pulisya Martes.

Pinakahuling nasawi si Crispulo Mateo Jr., na binawian ng buhay sa ospital pasado alas-2 ng hapon, ayon sa ulat ng Quezon City Police District.

Una dito’y nasawi rin ang mga kapwa tricycle driver niyang sina Dennis Cuadra, Alvin Reyes, at Delfin Bayangos.

Labintatlo pang driver na kasama nilang uminom ang isinugod sa East Avenue Medical Center dahil sa dinaranas na hirap sa paghinga at pananakit ng tiyan.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alamang uminom ng anim na litro ng lambanog ang mga driver matapos ang pulong ng kanilang TODA, sa bahay ng kanilang presidente.

Kinabukasa’y dumanas na ng matinding sakit ng tiyan ang mga driver at itinakbo ng mga kaanak sa ospital.

Ipinasusuri na ng pulisya sa mga eksperto ang labi ng mga nasawi, para malaman ang dahilan ng kanilang pagkamatay.

Kumuha na rin ng sample ng lambanog para ipasuri sa Bureau of Food and Drugs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending