4 patay, 2 naospital sa lambanog sa Laguna

By John Roson December 06,2018
share this

4 patay, 2 naospital sa lambanog sa Laguna

By John Roson December 06,2018
share this

APAT pa katao ang nasawi at dalawa ang naospital dahil umano sa ininom na lambanog, sa Santa Rosa City, Laguna, iniulat ng pulisya Huwebes.

Naiulat ang insidente ilang araw lang matapos masawi ang apat katao at maospital ang 13 pa, dahil din umano sa lambanog, sa Novaliches, Quezon City.

Nakilala ang mga nasawi sa pinakahuling insidente bilang sina Roy Basbas, 56; Gonzalo La Torre Jr., 50; Severino Callos, 65; at Hermino Caramay, 65, pawang mga residente ng Brgy. Pooc, ayon sa Laguna provincial police.

Nilulunasan pa si Antonio Jeremias, 70, sa Philippine General Hospital, habang si Robert Cruz, 48, ay sinasabing ligtas at malayo na sa panganib.

Dumanas umano ng matinding sakit ng tiyan ang anim matapos uminom ng purong lambanog. Naiulat sa lokal na pulisya ang insidente dakong alas-5 ng hapon Miyerkules.

Ipinasusuri na ng pulisya sa mga eksperto ang sample ng lambanog na ininom ng mga nasawi’t naratay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending