NASAWI ang isang matandang lalaki nang barilin ng barangay kagawad matapos nilang magsuntukan, sa Malasiqui, Pangasinan, Biyernes ng gabi.
Itinakbo sa pagamutan si Pompiyo Manangan, 61, dahil sa tama ng bala sa katawan, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.
Naganap ang insidente dakong alas-7:30, sa Brgy. Bakitiw.
Naglalakad pauwi si Manangan at nang mapadaan sa bahay ni kagawad Roger Bayangat ay nakasagutan niya ito hanggang sa sila’y magsuntukan, ayon sa ulat.
Nang masakta’y nanakbo pauwi si Bayangat, kumuha ng baril, at pinaputukan si Manangan, ayon sa pulisya.
Pinaghahanap pa ng lokal na pulisya ang suspek, na agad tumakas maatapos ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.