Coed nilitratuhan habang naliligo; stude dakip | Bandera

Coed nilitratuhan habang naliligo; stude dakip

John Roson - November 16, 2018 - 04:53 PM

ARESTADO ang isang college student matapos umanong litratuhan ang isang babaeng kapwa estudyante, habang naliligo sa isang boarding house sa Baguio City, ayon sa pulisya.

Nakaditine ngayon si Marlo Delaraga, 22, estudyante ng University of Baguio, matapos ipagharap ng kso sa piskal, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Dinampot siya ng mga tauhan ng Baguio City Police Station 7 pasado alas-5 ng umaga Huwebes, matapos iulat ng landlord ng boarding house ang insidente.

Bago ito, naliligo ang 21-anyos na biktima at napansin ang isang cellphone na sa itaas na bahagi ng banyo.

Dahil dito’y agad nagtapis ang biktima at lumipat sa kabilang cubicle, kung saan niya nakita si Delaraga na may hawak na cellphone, ayon sa ulat.

Tiningnan ng biktima ang naturang cellphone at nang makita ang kanyang mga litrato habang naliligo ay nagsisigaw, kaya sinaklolohan ng isa pang boarder, ayon sa pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending