Napagkamalang aswang; ginang pinatay, sinunog ng anak | Bandera

Napagkamalang aswang; ginang pinatay, sinunog ng anak

John Roson |November 13,2018
facebook
share this

Napagkamalang aswang; ginang pinatay, sinunog ng anak

John Roson - November 13, 2018 - 07:58 PM

NASAWI ang 63-anyos na ginang sa Sipalay City, Negros Occidental, matapos hambalusin at sunugin pa ng kanyang anak, na diumano’y napagkamalan siyang aswang.

Nakaditine ngayon sa lokal na istasyon ng pulisya ang 42-anyos na suspek, na pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police.

Nakupo ang ginang sa loob ng kanyang bahay kasama ang 7-anyos na apong babae at 6-anyos na apong lalaki dakong alas-11:30 ng umaga, nang bigla siyang hinambalos ng anak sa ulo, gamit ang isang pala.

Nang matumba ang ginang ay hinatak siya ng anak patungo sa kanilang kubeta sa labas ng bahay, at doon siya ssinunog, ayon sa ulat.

Dinampot ng mga opisyal ng barangay ang suspek nang maatunugan ang insidente, at inulat ito sa pulisya alas-3 ng hapon.

Matapos iyo’y itinurn-over nila ang suspek sa mga rumespondeng alagad ng batas.

Sinabi ng suspek sa mga imbestigador na bago ang insidente’y nakita niyang namula ang mata ng ina at lumabas ang dila nito, kaya napagkamalan niyang aswang, ayon sa isang ulat sa radyo.

Napag-alaman naman ng pulisya sa mga kapitbahay na dumaranas ang suspek ng sakit sa pag-iisip, at mayroon ding mga kaanak na may ganoong kondisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending