Pantawid Pamilya Day nauwi sa stampede; 28 sugatan | Bandera

Pantawid Pamilya Day nauwi sa stampede; 28 sugatan

John Roson - October 19, 2018 - 06:54 PM

HINDI bababa sa 28 katao, na kinabibilangan ng ilang matanda, buntis, at bata, ang nasugatan nang mauwi sa stampede ang programang isinagawa sa padiriwang ng Pantawid Pamilya Day sa Cauayan, Negros Occidental, Huwebes ng hapon.

Kabilang sa mga sugatan ang tatlong babaeng lampas sa edad 60, dalawang batang edad 2 taon at 2 buwan, at dalawang ginang na nagdadalantao, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police.

Naganap ang insidente pasado alas-5, sa gym ng Cauayan Public Plaza sa Brgy. Poblacion.

Tinatayang 4,000 katao ang nagtungo doon para dumalo sa padiriwang ng Pantawid Pamilya Day, na pinangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development, ayon sa ulat.

Sa pagtatapos ng programa, may isinagawang intermission number kung saan gumamit ang mga kalahok ng apoy at usok na mula sa palayok, bilang props. 

Imbes na mamangha ay nagulat at nag-panic ang mga nanood dahil sa biglang pagliyab at pag-usok, at may mga sumigaw pa ng “sunog!,” ayon sa ulat.

Doon na nagtakbuhan patungo sa entrance ng gym ang mga dumalo, at nauwi ito sa tulakan, balyahan, at tapakan, kaya may mga nasaktan, ayon sa pulisya.

Dinala ang mga sugatan sa Cauayan District Hospital para malunasan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending