ARESTADO ang anim na Chinese national para sa pagdukot sa isa nilang kababayan, na kanilang binitbit sa isang resort sa Calamba City, Laguna, Sabado ng gabi. Naaresto sina Xin Wang, 30; Sun Quing, 26; Hong Zhong Ah, 38; Yang Ben, 24; Zhao Da Hai, 40; at Si Cuan, 42, sabi ni Col. Eleazar Matta, direktor […]
DINAMPOT ng mga otoridad ang isang ginang na diumano’y nagtangkang manguha ng bata sa Sorsogon City. Nadakip si Evangeline Butron Irapta nitong Huwebes, at kasalukuyang iniimbestigahan, sabi ni Col. Marlon Tejada, direktor ng Sorsogon provincial police. Nagpakilala ang 53-anyos na si Irapta bilang residente ng Makati City na tubong Sierra Bullones, Bohol, aniya. Tinangka umanong […]
ANIM katao, karamiha’y estudyante, ang nasawi at siyam pa ang sugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang van sa isang cargo truck sa Zamboanguita, Negros Oriental, Biyernes ng umaga. Kabilang sa mga nasawi sina Joshua Busmeon, 18; Cherry Rose Kadusale, 17; Kevin Aguilar, 13; Cherry Ann Kadusale, 17; at Christian Buenconsejo, 17, pawang mga estudyante ng […]
ARESTADO ang isang konsehal ng Lagonoy, Camarines Sur, nang makuhaan ng mga sachet ng hinihinalang shabu sa raid sa kanyang bahay Miyerkules ng gabi. Naaresto si Councilor Randy Texon, residente ng Brgy. San Isidro Norte, sabi ni Chief Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police. Sinalakay ng mga tauhan ng Lagonoy Police ang […]
PATAY ang isang construction worker sa Baguio City matapos saksakin ng katrabaho dahil umano sa pag-iingay habang sila’y natutulog, Miyerkules ng gabi. Dinala sa ospital si Clarence Bangyay, 25, dahil sa dalawang saksak sa likod, ngunit binawian ng buhay alas-10:15, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Naganap ang insidente dakong alas-9:15, sa itinatayong hotel […]
PATAY ang umano’y miyembro ng isang grupong sangkot sa gun-for-hire nang makipagbarilan sa mga pulis, sa Lian, Batangas, Miyerkules. Napatay si Jerwin de Ocampo, kasapi ng tinaguriang “Gonzales gun-for-hire group” na nago-operate sa Balayan, Lian, Calatagan, at mga kalapit-bayan, ayon sa ulat ng PNP Criminal Investigation and Detection Group. Naganap ang engkuwentro sa Brgy. Balibago, […]
NASAWI ang isang driver at sugatan ang kanyang pahinante nang maaksidente ang dala nilang trailer truck sa Atimonan, Quezon, Martes ng gabi. Dinala sa ospital ang dalawa matapos mahugot sa pagkakaipit sa trak, ngunit di na umabot nang buhay ang driver na si Ariel Inocencio, 36, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Nilulunasan pa […]
SINUNOG ng mga nagpakilalang kasapi ng New People’s Army ang mga equipment, opisina, at warehouse na ginagamit para sa pagtatayo ng hydroelectric power plant sa Naujan, Oriental Mindoro, Lunes ng hapon. Naganap ang pag-atake ilang araw lang matapos ang magkakasunod na sagupaang bunsod ng operasyon ng mga tropa ng pamahalaan laban sa NPA sa Oriental […]
PATAY ang isang tricycle driver at sakay niyang mag-ina habang tatlo pa ang malubhang nasugatan nang masalpok ng van ang kanilang sasakyan sa Dagupan City, Pangasinan, Linggo ng hapon. Dead on the spot ang tricycle driver na si Michael Reyes, 32, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police. Itinakbo sa pagamutan ang kanyang mga pasahero, […]
DINALA na sa National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City ang babaeng Iranian, na kamakailan lang ay naaresto para sa pagsuntok, pagsipa, at pagpaso ng sigarilyo sa isang pulis sa Puerto Galera, Oriental Mindoro. Sinundo ng kanyang magulang si Fereshteh Marbouyeh sa Puerto Galera noong Biyernes para dalhin sa NCMH, sabi ni Supt. […]
PATAY ang pitong hinihinalang kasapi ng tinaguriang “baklas-bubong” group, na sangkot sa mga panloloob, nang makipagbarilan umano sa mga pulis sa Agoncillo, Batangas, Lunes ng umaga. Tinitiyak pa ang pagkakakilanlan ng mga napatay, na pawang mga sakay ng isang van, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang engkuwentro sa Brgy. Banyaga, dakong alas-4:45. […]