PATAY ang umano’y miyembro ng isang grupong sangkot sa gun-for-hire nang makipagbarilan sa mga pulis, sa Lian, Batangas, Miyerkules.
Napatay si Jerwin de Ocampo, kasapi ng tinaguriang “Gonzales gun-for-hire group” na nago-operate sa Balayan, Lian, Calatagan, at mga kalapit-bayan, ayon sa ulat ng PNP Criminal Investigation and Detection Group.
Naganap ang engkuwentro sa Brgy. Balibago, dakong alas-6:30.
Nagpapatupad ang mga tauhan ng CIDG ng search warrant para sa umano’y paglabag ni De Ocampo sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, nang paputukan niya ang mga operatiba, ayon sa ulat.
Gumanti ang mga pulis at nang tamaan si De Ocampo ay dinala pa siya sa ospital, pero di na umabot nang buhay ang suspek.
Narekober sa pinangyarihan ang kalibre-.38 revolver na ginamit ng suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.